Friday , November 22 2024

Food stalls sa Star City inspeksyonin mabuti!

010716 stick foods

PATOK na patok ang mga pasyalan nitong nagdaang Kapaskuhan at Bagong Taon dahil bakasyon rin ang mga kabataan sa eskwela at panahon na medyo maluwag kahit paano ang pasok ng pera (bonus).

Isa na rito ang halos hindi mahulugang karayom sa dami ng mga taong nagpunta — ang STAR CITY sa Pasay City. Sa haba pa lang ng pila sa entrance pa lamang ay masasabi nating patok rin ang mga negosyo sa loob nito.

Marami ang mga kainan, lalo ang mga unknown food stalls at small food chain. Tiyak na tumiba rin ang mga nasabinf kainan.

Pero base sa mga natatanggap nating mga reaksiyon sa maliliit na food stall, dapat bigyan atensiyon ng local na pamahalaan at Star City management.

Nakasisiguro ba ang mga taong kumakain doon na safe at malinis ang pagluluto at proseso ng paghahanda sa mga itinitinda nilang pagkain?

Kadalasan kasi ay tila hindi na raw sariwa at bagong luto ang ilang pagkain na nabibili sa mga food stalls?!

Init-init system lang daw ang mga pagkain maging ang mga stick-foods, rice meals at iba pa…

Lalo na ang mga inihaw na pagkain gaya ng bar-b-q na halatang maagang niluto (half-cook) at iinitin ulit kapag may bumili.

Wala rin maayos at malinis na service water para sa mga costumer.

Nanawagan tayo sa Pasay local government kung mayroon bang sanitary permit ang nasabing food stalls?!

Huwag na natin hintayin na may ma-food poison diyan sa loob ng Star City!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *