Saturday , November 23 2024

Lotto & casino prizes babawasan na ng tax?

010616 money tax

HINDI raw patas ang pagpapataw ng buwis sa iba’t ibang uri ng legal na gaming activity sa bansa.

Sa isang ulat na pinamagatang “Profile and Taxation of Selected Gambling and Betting Activities in the Philippines,” sinabi ito ng Department of Finance-attached National Tax Research Center (NTRC).

Isinaad sa ulat na ito na, “Unequal tax treatment of casinos, lotteries and horse racing activities wherein horse racing clubs and bettors are saddled with more taxes.”

Anila ang horse racing clubs ay pinapatawan ng corporate income tax, franchise tax at value-added tax, ganoon din sa premyo ng mga nanalo sa race horses alinsunod sa National Internal Revenue Code of 1997.

Iniisip siguro ng NTRC na unfair ito sa mga aficionado ng horse racing kaya target na rin nila ngayon ang mga nanalo sa lotto at ang mga nagka-casino.

Ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), na nag-o-operate ng sweepstakes at lotto, ay hindi umano pinapatawan ng buwis ganoon din ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) at ang mga lisensiyadong casino ay hindi rin pinapatawan ng percentage tax mula sa mga nananalo rito.

Sa ganang atin, pinupuna natin ang NTRC dito. Bakit kailangan dumating sa ganitong sitwasyon ang PCSO at PAGCOR?

Dapat sa simula pa lamang, kung gusto talaga nilang buwisan ag PCSO at PAGCOR ay isinaad na sa charter ng dalawang nasabing ahensiya.

Kung tutuusin, mas dapat na pagtuunan ng pansin ng NTRC ‘yung mga dayuhan na Casino players gaya ng mga Korean & Chinese nationals at Hong Kong locals.

Sila ‘yung may Casino junkets thru travel agents na naka-tie up sa mga Casino sa bansa.

Kumikita sila sa pamamagitan ng komisyon. Kung hindi tayo nagkakamali, mga 1.5 percent ang komisyon nila sa bawat taya ng naka-junket na foreign Casino player.

‘Yang mga foreign Casino players na ‘yan (Chinese & Korean nationals at Hong Kong locals) kapag nanalo ‘e hindi naman nila ginagastos sa bansa natin ang panalo nila.

Inilalabas nila agad ‘yan at doon nila ginagastos sa bansa nila.

Sa ganyang sistema, tayo ang naagrabyado, kaya sa ganang atin, sila ang dapat patawan ng buwis kapag nananalo.

Please take note NTRC.

Bakit ‘yung mga local na Casino players ang papatawan ninyo ng buwis, ‘e kung tutuusin sila ang kaagapay ng PAGCOR. Sa panahon na walang malalaking foreign players sila ang bumubuhay sa Casino.

Ano ang gusto ng NTRC, umayaw sa legal na casino ang mga local players at pumasok sa mga ilegal na casino?!

Parang mali na naman ang mga suhestiyon na ‘yan.

Mga money launderer na Korean at Chinese nationals ang itarget ninyo huwag ‘yung maliliit na naglilibang-libang lang at kahit paano ay nakatutulong sa layunin ng PAGCOR at PCSO na makatulong sa maliliit nating kababayan.

Kung hindi po ninyo nalalaman mga suki, nakatutulong ang PAGCOR sa mga pampublikong ospital sa bansa para makabili ng mga modernong medical equipments habang ang PCSO naman ay nakatutulong sa mga indibiduwal na pasyenteng nangangailangan ng gamot at iba’t ibang prosesong panglaboratoryo para ma-diagnose ang sakit ng pasyente.

Lalo na roon sa malalalang sakit gaya ng kidney problem, iba’t ibang uri ng cancer at mga medical surgery.

Mungkahi lang po sa DoF-NTRC, pag-isipan ninyong mabuti ‘yang pagbubuwis sa PCSO at PAGCOR dahil baka sa huli ay maliliit nating mga kababayan ang maapektohan ng mga pagbubuwis na ‘yan.

Esep-esep!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *