Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ginebra masarap talunin — Pringle

111715 stanley pringle
PARA sa 2015 PBA Rookie of the Year na si Stanley Pringle, masarap ang pakiramdam para talunin ng kanyang koponang Globalport ang Barangay Ginebra San Miguel.

Nagbida si Pringle sa 84-83 na panalo ng Batang Pier sa overtime kontra Gin Kings noong Linggo ng gabi sa Mall of Asia Arena upang makopo ang ikatlong silya sa semifinals ng Smart BRO PBA Philippine Cup.

Nagtala siya ng 25 puntos at walong rebounds, kabilang ang kanyang krusyal na lay-up sa huling 57.9 segundo ng overtime, upang makalayo ang Globalport sa 84-80 na kalamangan.

Naunang nag-assist si Pringle kay Billy Mamaril para sa tira ng huli sa huling 4.1 segundo ng regulation upang itabla ang laro sa 74 at maipuwersa ang overtime.

At kahit nakahabol pa ang Ginebra ay sinayang ni Pringle ang huling walong segundo ng laro upang maiselyo ang panalo para sa Batang Pier na nakapasok sa semis sa unang pagkakataon mula noong pumasok sila sa PBA noong 2011.

Naging kontrobersiyal ang katapusan ng laro nang umangal si Ginebra coach Tim Cone dahil umano sa backing violation ni Pringle na hindi tinawagan ng reperi na si Edward Aquino at hinayaan lang ni Aquino si Pringle upang sayangin ang natitirang oras at tinapos na lang ang laro.

Maghaharap ng Globalport ang Alaska sa best-of-seven semifinals na magsisimula sa Enero 4, 2016.

Natuwa ang team owner ng Globalport na si Mikee Romero nang nalaman niya ang panalo ng Batang Pier mula sa kanyang kanang-kamay na si Erick Arejola habang nasa ibang bansa si Romero.

“Breaks of the game talaga. Ginebra is a well-coached team. I told the players, we deserve to be in the semis,” dagdag ni Globalport coach Pido Jarencio. “Alaska is a tough team. Basta’t kami, handa since mahaba ang pahinga namin bago ang semis.” ( James Ty III )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …