Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gary, kaya pang makipagsabayan sa mga batang performer!

122215 Gary Valenciano

00 SHOWBIZ ms mNA-ENJOY namin nang husto ang Gary V. Presents The Repeat concert na ginanap sa Resorts World kamakailan. Kahit nananalasa ang bagyong Nona, marami pa rin ang nanood ng concert. Marami pa rin sa mga tagasuporta ni Gary ang sumugod sa teatro para mapanood si Mr. Pure Energy.

Hindi naman binigo ni Gary ang mga nanood ng concert niya noong gabing iyon dahil talaga namang napakabongga ng show at napakaganda ng repertoire. Kami mismo ay talagang humanga at at napatayo sa ganda ng show. Simple lang naman ang show at walang gustong patunayan. Sabi nga ng kapatid na Ervin Santiago, gusto lang paligayahin ni Gary at mabigyan ng magandang show ang mga taong nanonood at ipakita ang talent ng mga guests na kasama niya noong gabing iyon na karamihan ay produkto ng mga reality talent show ng ABS-CBN tulad ng The Voice at X Factor.

Special guests ni Gary sa concert na idinirehe ni Mon Faustino sina Bullet Dimas, Carka Guevara-Laforteza, Janice Javier (The Voice grand finalist), Jimmy Marquez, Katrina “Suklay Diva” Velarde, Monique Lualhati, Timothy Pavino, RJ dela Fuente, Maki Ricafort, Manoevres, at Kiana Valenciana na pagkaganda-gandang bata. Napakaganda ng mukha, pinaghalong Gary at Angeli ang hitsura. Puwedeng-puwedeng beauty queen.

Ikinatuwa ng audience ang pagkanta ni Gary ng hits ng Earth Wind & Fire na noon lang namin nakitang bumirit nang todo ang Mr. Pure Energy. Napatunayan niyang kaya pa niyang makipagsabayan sa mga batang performers. Kahit ang pagsayaw, keri pa rin ni Gary. Kaya pa rin niyang humataw at mas nakai-inlove ‘pag sumasayaw na siya sa totoo lang.

Anyway, positive naman ang pananaw ni Gary ukol sa kontrobersiyang kinasangkutan ng anak niyang si Gab matapos itong magkomento tungkol sa pagtakbo bilang pangulo ni Rodrigo Duterte sa 2016.

Ani Gary, nasaktan siya sa mga nabasa niyang reaksiyon ng mga kakampi ni Duterte laban sa kanyang anak na umabot pa sa paghukay ng mga past controversies sa buhay ng kanilang pamilya.

Kung matatandaan, matapang na nag-post si Gab ng kanyang saloobin tungkol sa presidential bid ni Duterte next year, kontra siya sa ilang pinaggagagawa ng former mayor ng Davao. Matapos kumalat ito sa social media sandamakmak na pamba-bash ang natanggap ni Gab.

“In the beginning na-hurt ako, kasi kung ano-ano nang mga sinasabi eh, even tungkol sa past ko. But the past is past, what’s nice about the past is that there’s a much more beautiful present,” paliwanag pa ni Gary.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …