BUKOD sa hawak na titulong Hari ng Primetime at Teleserye ng ABS-CBN ay deserved rin ni Coco Martin, ang bagong titulo na ikinakabit sa kanyang pangalan na “Idol ng Masa.”
Kasi naman lahat ng teleseryeng ginawa at pinagbidahan ni Coco kasama ng bago niyang action-drama serye sa Kapamilya network na “FPJ’s Ang Probinsyano” ay ginawa para sa lahat ng mga tagahanga ng aktor na belong sa masa crowd. Lahat ng proyekto ng aktor sa kanyang mother network ay laging nangunguna sa ratings game, dahil relate na relate ang mga kababayan natin sa bawat takbo ng mga istorya nito.
Kaya naman tuwing may soap si Coco ay sinusuportahan nila tulad ng ginagawa nila ngayong pagtangkilik sa Ang Probinsyano na simula nang umere sa ABS-CBN Primetime Bida hanggang ngayon ay consistent sa pagiging number one na sinusundan ng Pangako Sa ‘Yo ng KathNiel loveteam nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Hindi bumaba sa 37% ang rating ng ipinagmamalaking obra ng Dreamscape Entertainemt.
Hindi lang sa kanyang mga TV show patok si Coco maging sa mga mall tour at iba pang personal appearances na ginawa ng alaga ni Sir Biboy Arboleda ay dinudumog siya kaya naman certified idol ng masa ang aktor na pasado ring singer. Pagdating sa movies ay unti-unti na ring pinatutunayan ni Coco ang hatak niya sa moviegoers na parehong naging blockbuster ang pelikula with Sarah Geronimo na “Maybe This Time” at “Feng-Shui 2” nila ni Kris Aquino.
Dito sa bagong film ng actor sa Star Cinema at Viva Films kasama si Vice Ganda plus James Reid and Nadine Lustre love team na “Beauty And The Bestie,” na entry nila sa Metro Manila Film Festival, sa lakas ng dating ng trailer nito ay pwedeng makipagpukpukan sa No.1 spot sa takilya.
Samantala, may bagong parangal na tinanggap si Coco at siya ang itinanghal na Best Actor para sa teleseryeng “Ikaw Lamang” at Best Actor pa rin para sa film na “Feng-Shui 2” sa katatapos lang na Ist ALTA MEDIA ICON AWARDS.
Cardo, big congrats gyud!
AMA NI JULIA SA “DOBLE KARA” MALALAGAY SA PELIGRO
Magpapatindi sa alitan nina Lucille (Carmina Villaroel) at ng kambal ang aksidenteng mangyayari kay Antonio (Allan Dizon) sa mas kapana-panabik na mga eksena sa “Doble Kara.”
Sa hindi inaasahang pagkakataon, maaaksidente ang sinasakyang kotse ni Antonio at magdudulot ng matinding pinsala sa kanya. Sa pagsugod naman nina Kara at Sara (Julia Montes) sa ospital, agad silang haharangin ni Lucille at pagbabawalang dalawin ang kanilang ama. Magkaroon kaya ng pagkakataon ang kambal na masilayan si Antonio? Makaligtas naman kaya si Antonio mula sa kapahamakan? Huwag palampasin ang mga kapana-panabik na eksena sa “Doble Kara” tuwing hapon sa ABS-CBN Kapamilya Gold.
Para sa karagdagang impormasyon kaugnay sa programa, bisitahin lamang ang official social networking site ng Dreamscape Entertainment Television sa Facebook.com/DreamscapePH, Twitter.com/DreamscapePH, at Instagram.com/DreamscapePH.
NINGNING, AAMIN SA AMANG SI DONDON NA TAKOT SIYANG MABULAG
Ilalabas na ng batang si Ningning (Jana Agoncillo) ang kanyang takot sa malaking posibilidad na mabubulag siya matapos sabihin ng doktor na may sakit siyang aggressive corneal dystrophy sa top-rating morning weekday Kapamilya teleserye. Magiging madamdamin ang usapan ng mag-amang Ningning at Dondon (Ketchup Eusebio) sa malaking unos sa kanilang buhay dahil sa paglabo ng mga mata ni Ningning na baka mauwi sa pagkabulag kapag hindi maagapan.
Ani Ningning, ayaw niyang mabulag at tuluyang hindi makakita, kaya naman itotodo ni Dondon ang paghahanap ng cornea donor. Magbunga kaya ang sakripisyo ni Dondon na makahanap ng donor para sa nag-iisang anak? Malalagpasan kaya ng ating munting bida ang pinakamalaking pagsubok sa buhay niya? Huwag bibitiw sa mga kaabang-abang na mga pangyayari sa “Ningning,” Lunes hanggang Biyernes bago mag “It’s Showtime,” sa ABS-CBN.
Layunin ng programang “Ningning” na imulat ang mga Filipino sa kagandahan ng buhay sa kabila ng mga problema.
VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma