Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vic, Ai Ai at AlDub, kataka-takang ‘di nagpa-raffle

121315 my bebe love
DAHIL minsan lang naman sa isang taon ang Pasko, pakunsuwelo na lang ‘ika nga para sa entertainment press na maambunan ng ekstrang biyaya mula sa mga pa-raffle ng mga pangunahing artistang kabilang sa mga opisyal na kalahok ngMetro Manila Film Festival.

Kadalasan din naman kasi, hindi lahat ng mga inimbitahang press sa presscon ng bawat MMFF entry ay umuuwing may ngiti sa kanilang mga labi sa suntok-sa-buwan na raffle na ‘yon. Kapag minamalas-malas pa, may pagkakataon pa na “pre-drawn” na ang mga nabubunot mula sa mga nakabilot na papel containing the names of the reporter-attendees.

Sa kasagsagan ng kaliwa’t kanan at sunod-sunod na presscon ng MMFF entries over the week, iilan lang sa mga ito ang nagpa-raffle (maliban sa  parties and those thrown by political candidates).

Pero ang tila mas napansin ng press ay, ”’Yung movie nina Vic Sotto, Ai Ai at AlDub, wala raw pa-raffle?”

May kasama kasing awe o pagtataka why the event was lackluster if only for the absence of raffle, lalo’t ang bumubuo ng cast ng pelikula ng dalawang pares are today’s top TV commercial endorsers most specially the AlDub tandem.

Ang pagpapa-raffle—ayon sa kapaniwalaan—ay isang pasuwerte.  And in the case of their movie, the once-in-a-lifetime gesture would have attracted sana positive vibes lalo na sa kikitain nito sa takilya na babalik din naman sa kanilang apat na tenfold.

Sabi nga ng isa naming Chinese friend who believes in getting luck by spreading luck, ”Huwag kang kain ng kain…tumae ka rin!”

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …