Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nagbabalik na mayoral candidate na si Alfredo Lim prayoridad ang kalusugan number 1 sa survey

121115 fred lim wheelchair
Kahit na wala sa posisyon ang nagbabalik na mayoral candidate sa lungsod ng Maynila na si dating Mayor Alfredo Lim ay hindi naman siya tumitigil sa pagtulong sa kanyang mga kababayan.

Actually mas marami pa ngang nagagawa si Lim kompara sa ibang mga nakaupo diyan sa puwesto. Kaya mahal na mahal si Lim, ng kanyang constituents especially ng mga lolo’t lola na lehetimong residente ng Maynila kasi una sila sa mga tinutulungan niya.

Ilang unit na ng libreng wheelchair ang naipamahagi ng beteranong gov’t official sa kanila na malaking tulong lalo sa mga may sakit sa kidney at liver na hindi na kayang tumayo pang mag-isa. Maging ang batang ipinanganak na maysakit at biktima ng stroke sa Baseco ay pinagkalooban rin ng dating alkalde ng wheelchair galing sa kanyang sariling bulsa.

Tumatakbo ngayon sa ilalim ng Liberal Party si Lim.

Samantala sa okasyon ng Bangsamoro Overseas Filipino Workers Organization (BOFWO), nangako ng kanilang suporta na “bantay boto” sa kandidatura ng dating alkalde. Naghiyawan ang lahat sa binitiwang speech ni Lim, na ibabalik niya ang libreng serbisyo medikal sa lungsod.

Nagbubunyi ang lahat ng mga supporter ngayon ng butihing politician dahil number 1 siya sa survey sa mga tumatakbong alkalde para sa May 2016 elections.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …