Friday , November 15 2024

Tuluyan nga kayang ma-disqualify ang anak nina Panday at Inday?

00 Bulabugin jerry yap jsyNALUNGKOT tayo sa naging desisyon ng Commission on Election (Comelec) 2nd Division nang i-disqualify nila si Senator Grace Poe dahil kukulangin ng dalawang buwan (‘yun lang!?) para maging 10 taon ang residency niya sa bansa hanggang May 2016.

‘Yun daw kasi ang isinasaad ng butas ‘este’ batas. Kailangan na ang sino mang tatakbong presidente o bise presidente  ng Filipinas ay deretsong naninirahan sa bansa sa loob ng 10 taon.

Ang desisyon ng Comelec ay tugon sa petisyon na inihain ni Atty. Estrella “Star” Elamparo.

Pero naninidigan si Sen. Grace na siya ay natural-born Filipino at kompleto ang kanyang residency.

Aniya, aapela pa sila sa Comelec En Banc.

Kung teknikal na bagay na ang pinag-uusapan dito gaya ng numero, ano pa ang iaapela ng kampo ni Sen. Grace?

Sa hanay ng masusugid na supporters ni Sen. Grace, galit sila sa ginawa ng Comelec. Wala na raw silang mapiling kandidato kundi si Senator Grace.

At kung hindi papayagan ng Comelec ang kandidatura ni Grace, mas mabuti pang ‘wag na umano silang bumoto.

Kahapon, iba-ibang espekulasyon ang narinig natin tungkol sa disqualification laban kay Poe.

Una, maraming nagsasabi na kaya na-DQ si Grace ‘e dahil, anak siya ni FPJ.

Si FPJ na nakalaban at ‘inilampaso’ sa eleksiyon ni dating Presidente Gloria Macapagal Arroyo.

Pero sabi nga ni Inday kay PGMA, “You stolen the presidency not once but twice!”

Meron namang sumisigaw sa Facebook na kaya raw na-disqualified si Sen. Grace ay dahil sa asosasyon niya sa mga left-leaning organization na ‘yung iba ay direkta pang inendoso ang kanyang kandidatura.

‘Yung iba naman, ang sabi ‘e mukhang, muling nabuo ang al-yansa nina Binay at Chiz. Kung totoo ‘yan, ibig bang sabihin na tuloy na tuloy na ang tambalang Jojo at Chiz (BICHIZ) at ilalaglag na si Gringo Honasan?!

Gagawin ba ni Chiz kay Sen. Grace ‘yan?!

Pero mas malakas ang ugong na gumagastos nang malaki ang kampo ni GMA para pi-gilan ang kandidatura ni Sen. Grace (dahil anak nga siya ni FPJ na sinabing biktima ng Hello Garci kaya natalo sa eleksiyon?)

Kung totoo ngang ang kampo ni GMA ang nasa likod ng pagtakbo ni Davao Mayor Duterte, mayroon itong semblance of truth lalo na’t si Atty. Elamparo ay vice president for communications ng GSIS noong panahon ni Winston Garcia.

Ayaw nating mag-isip nang hindi maganda pero mukhang mayroong sama-sama puwersa para tuluyang pigilan ang kandidatura ni Sen. Grace.

Ano pa kayang ‘power’ ang pwedeng gamitin ng anak ni Panday at Inday para maibasura ang disqualification cases laban sa kanya?!

Meron pa kaya?!

Subaybayan poe natin mga suki!                              

Pasikat at pabidang BI-NAIA official sumalto nitong nakaraang APEC

ISANG gunggong-galunggong na opisyal ng Bureau of Immigration (BI) na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang tahasang nagpakita ng kanyang katangahan at kayabangan nitong nakaraang Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit.

Mahilig kasing magpa-bida ang nasabing BI-NAIA official. Kahit sa kuwentohan lang, gusto siya lagi ang bida.

At dahil sa ganyang kostumbre, hayun, humulagpos ang katangahan n’ya.

Mantakin ba naman ninyong i-post sa kanyang Facebook account last APEC ang passport ni American President Barrack Obama?!

Sabay caption pa ng: “The Eagle has landed!”

Sonabagan!!!

‘E highly confidential ‘yan, Kamoteng BI official!

Ingat na ingat nga ‘yung mga nagbabantay kay Obama na ma-detect ng terorista kung nasaan sila tapos si kamote ia-announce at ibubuyangyang ang pasaporte ni Obama sa Facebook?!

‘E ‘yun nga, biglang may isang nag-comment na… “You’re in big trouble, man!”

Saka lang siguro natauhan ‘yung kamoteng BI-NAIA official kaya ini-delete ‘yung kanyang post sa Facebook.

Ano ba ang nangyayari sa BI official na ‘yan?! Nasalanta na ba ng human trafficking ang kanyang utak?!

O nahawa na siya sa kanyang amo na isa ring gunggong-galunggong!?

Kilala mo ba ‘yang tarantadong opisyal na ‘yan BI-NAIA Airport Operation Division chief BEN ‘tot’ SE!?

Batukan mo nga ‘yan para matauhan!

Hinaing ng taga-Tondo 2

Sure win na ‘yan si Mayor Lim, Sir Jerry. Lalong-lalo na dito sa Tondo Dos! Dito lang nanalo si Mayor Lim noong last election, kaya si Erap, ginagawang Timawa ang mga taga-TONDO DOS! Noong minsang dumayo dito sa amin ang mga TAUHAN ni ERAP, para raw magpa-Raffle, dala ‘yung magandang Sound system at NAPAKALAKING PROJECTOR. Nagpatawag ng mga TAO, nagkadarapa ang lahat sa pagpila, dahil sa loob nang higit dalawang taon e ngayon lang nagpadala si Erap ng tao rito para mamahagi ng GRASYA! Pero sa halip e, tila DISGRASYA! NADESMAYA ang maraming taong PUMILA AT NAGPALISTA para makakuha ng Raffle Ticket! Nagpalabas ng kung ano-anong video sa Projector, pati mga mga nagawa nya DAW (kuno) at kung ano-anong paninira kay Mayor Lim. Kesyo walang pondong iniwan at magulo daw ang Maynila at marami pang iba.

‘Eto na ngayon nagsimula na ang PINAKAHHIHINTAY NA RAFFLE! May isang nabunot madaling madali pa ‘yun tao, pero pagkakuha, ayun, DESMAYA, NATAWA na lang kami ng mga kaibigan at mga kalugar ko e. Ang nakuha ba naman e, halos 2 kilo ng Bigas, Choco Biscuits at fruit juice sa tetra pack. Wat da pak! Tapos para sa mga hindi nabunot, pinapila uli, para mabigyan ng biskwit at dyus, juicekolord! Ang reaksyon ng mga tao ginawa daw timawa ang mga taga Brgy. 215 Zone 20 Solis St. Meron naman nagsabi na baka daw kinatkong. Isa lang ‘yan, hindi MANANALO SI ERAP AT BABALIK NANG MULI ANG DIRTY HARRY! MAYOR LIM NA ULIT.

[email protected]

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *