Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sa Because of you ng GMA 7, Carla Abellana pag-aagawan nina Gabby Concepcion at Rafael Rosell (Pilot episode ng soap mapapanood na tonight)

113015 Carla Abellana Gabby Concepcion Rafael Rosell
MASAYA si Carla Abellana at malaki ang pasasalamat ng magandang aktres sa GMA dahil hanggang ngayon ay patuloy siyang nabibigyan ng magagandang project ng kanyang mother network.

Ngayong gabi mapapanood ang pilot episode ng bagong teleserye ni Carla na “Because of You,” sa GMA Telebabad right after Little Nanay.

Feeling relax at enjoy raw ang aktres sa kanilang tapings. Maski paano raw sa experience niya sa comedy sa sitcom nila ni Ryan Agoncillo na Ismol Family ay hindi na siya hirap maging komedyante sa ilang mga eksena niya sa soap.

Dahil parehong nagguguwapohan ang leading men ni Carla dito sa Because of You na sina Gabby Concepcion at Rafael Rossel, pinaghandaan ng dalaga ang pagharap sa entertainment press last week para sa grand presscon ng bagong serye.

Seksing-seksi siya sa suot niyang Serfentina gown. Lahat ay napansin ito at marami ang pumuri kay Carla sa pagiging slim niya ngayon. Sa interbyu namin ng mga kasamahang press sa Kapuso aktres, kinumusta nang lahat ang kanyang pakikipagtrabaho kay Gabby?

Confident na sinabi ni Carla na hindi raw ito first time nila ni Gabby dahil nagkasama na sila ng beteranong aktor sa isang movie na ginawa nila sa Regal Entertainment.

“Una kaming nagkasama ni Kuya Gabby sa Yesterday, Today, Tomorrow two years ago pa. Pero hindi siya nagbabago, he’s friendly pa rin, happy-go-lucky, na kahit umaga na kami sa taping, gising na gising pa rin siya.

“I’m really happy to work again with Gabby. Looking forward ako na mas mag-enjoy sa trabaho with him around and mas maraming matutunan from him. I’m also thrilled to be reunited with Bettina (Carlos) and Tita Celia (Rodriguez).”

Para naman kay Gabby, sinabi niyang komportable siyang katrabaho si Carla at siguradong mag-i-enjoy raw ang lahat ng televiewers sa kanilang show dahil very light at punong-puno ng good vibes. Tulad ni Carla ay nagpapasalamat rin si Gabby sa teleseryeng ipinagkaloob sa kanya ng GMA.

“I’m so happy and thankful with GMA 7, dahil sa pagkakasama ko sa teleseryeng ito, ang ganda ng story, pagkabasa ko sa script, hindi ako nag-second thought, nagustuhan ko, very light, hindi mabigat sa dibdib ang gagawin ng karakter ko. Nakagawa na rin ako ng TV show at pelikula, pero nangangapara pa rin ako. Pero sa Because of You, simple lang at saka si Carla relax siyang kasama,” pagbibida ng aktor sa kanyang bagong leading lady.

Si Rafael ay gaganap na fiance ni Carla na si Oliver at runaway ang drama nito sa kasal nila ni Carla.

Ang cute pala ng dating ni Carla sa teaser, ng pinagbibidahang serye na noong makita niya sa magazine cover si Jaime (Gabby) ay nag-dialogue siya ng “guwapo, rich and yummy.” Magiging sila na nga kaya ni Jaime na nagligtas sa kanya sa kapahamakan at may magagawa ba si Oliver (Rafael) kapag nalaman niyang sina Andrea at Jaime na?

‘Yan ang dapat ninyong abangan at pakatutukan gabi-gabi sa Because of You, directed by Mark Reyes. Part rin ng cast ang Pop Diva na si Kuh Ledesma, Rey PJ Abellana, Iya Villania, Valerie Concepcion, Joyce Ching, Enzo Pineda, Vaness del Moral, Bettina Carlos, Carlo Gonzales, Michael Flores at marami pang iba.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …