Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

My Bebe Love: Kilig Pa More!, surefire sa 2015 MMFF

112815 My bebe love

00 SHOWBIZ ms mNAKATITIYAK nang mangunguna sa 2015 Metro Manila Film Festival ang My Bebe Love: Kilig Pa More! nina Vic Sotto, Ai-Ai Delas Alas, at ng phenomenal loveteam na AlDub—Alden Richards at Maine ”Yayadub” Mendoza.

Paano naman, ano pa nga ba ang dapat asahan kapag pinagsama ang undisputed Philippine box-office king at box-office queen idagdag pa ang newest record-breaking, phenomenal loveteam, eh ‘di siyempre, sure hit na. Asahan pa ang high-spirited excitement, heartwarming romance, wholesome fun, at excellent Filipino values na makikita sa filmfest entry na pinamahalaan ni Jose Javier Reyes at isinulat nina Bibeth Orteza at Reyes.

Tampok din sa My Bebe Love: Kilig Pa More!  sina Joey de Leon, ang mga lola ng Eat Bulaga na sina Paolo Ballesteros, Jose Manalo, at Wally Bayola gayundin si Ryzza Mae Dizon.

Ginagampanan ni Vic ang papel ni Vito na mayroong bitter professional rivalry kay Cora (Ai-Ai). Pareho kasi sila ng negosyo, ang paggawa ng special events at productions na parehong naging matagumpay. Nagkaroon lalo ng problema nang ma-in-love si Anna (Maine, anak ni Vic) sa pamangkin ni Ai Ai na si Dondi (Alden). Tulad ng inaasahan, parehong hindi komporme sina Vito at Cora sa nararamdaman ng dalawa. Kaya naman gumawa sila ng kung ano-anong paraan para lamang hindi matuloy ang pag-iibigan ng mga ito.

Kung saan patungo at kung ano ang mangyayari sa pagmamahalan ng dalawa? Iyon ang dapat abangan. Kaya tutukan pa ang excitement, love, at romansa sa My Bebe Love: Kilig Pa More! na mapapanood sa Kapaskuhan sa pagbubukas ng MMFF.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …