Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paulo Avelino balik-Dreamscape magiging karibal ni James sa “On The Wings of Love” (Aktor handa na rin magpakilig sa televiewers)

112515 paulo avelino jadine
Last Tuesday ay pormal nang ipinakilala sa entertaiment press at kilalang bloggers si Paulo Avelino bilang karagdagang karakter at bagong karibal ni James Reid (Clark) sa puso ni Nadine Lustre (Leah) sa mas tumitinding kuwento ng hit ABS-CBN primetime teleserye na “On the Wings of Love.”

Actually balik-Dreamscape lang si Paulo na napanood natin noon sa seryoso niyang pagganap sa “Sana Bukas Pa Ang Kahapon” bilang love interest ni Bea Alonzo.

Pagdating sa pagpapakilig, tulad nina James at Albie Casino na parehong nagpakita na ng Abs sa OTWOL ay original dito ang aktor.

Marami talaga ang nabighani sa magandang built ng kanyang katawan and for sure marami sa mga fans niya ang nakaka-miss sa eksena nila ni Bea na naabutan siyang gumagawa ng tsokolate na lumabas talaga ang  kanyang machismo sa eksena.

Well, dito naman sa On The Wings of Love, wala pa raw alam si Pau kung magkakaroon siya ng eksenang shirtless basta’t paniniguro niya ay mayayanig raw ang mga makakapanood sa kanya bilang Simon, na bagong boss ni Leah (Nadine) sa isang advertising firm, na dream guy ng mga girls.

“Hindi totally mangungulo pero mayayanig at palalakasin lalo ang “On The Wings of Love,” sey pa ng Kapamilya aktor sa ibinigay na pocket presscon sa kanya ng Dreamscape Entertainment.

Aniya, excited na siya sa kanyang role, kahit na ba nangangalahati na ang show nang pumasok siya. “As we all know, I’m coming in a halfway, parang kalahati na siguro. Medyo late na ako papasok and kung baga, it’s an honor to be part of the cast and to be considered na makasama sa teleseryeng ito lalo na nga’t alam naman natin na hit ang On The Wings of Love.

“Working with the loveteam, I’m excited, I’m pretty excited. Na-excite ako sa maibibigay kong bago sa show,” masaya pang sambit ni Paulo at aware rin pala siya na madalas ay trending ang JaDine loveteam dahil sa show nila sa social media na bahagi na nga siya.

“Well, the tandem pretty well known kasi they were all social media na, laging nagte-trend sa twitter, not just them as a loveteam but also because of the show, na laging nagte-trend. I’m happy that I’m part of the show,” proud pang sabi ni Pau sa press.

Doon sa mga balak i-bash ang aktor, paliwanag ng mabait at sweet na advertising at promo head ng Dreamscape na si Sir Biboy Arboleda sa role ni Paulo dito sa OTWOL, kahit na gusto mo raw mainis ay hindi mo magagawa dahil gwapong-gwapo sa kanya. Oo nga naman. Dagdag na enlightenment ni Sir Biboy, “Ang karakter ni Paulo ay magbibigay ng panibagong excitement dahil fit ang karakter ni Simon kay Paulo.” Aniya, “We patterned it after him at nagdagdag kami ng elements kung paano magtrabaho ang mga tao sa advertising industry para magkaroon ng contrast si Simon kay Clark, pero magbe-blend well siya kay Leah.” Dahil sa mas kumikilig na takbo ng kwento, mas pinag-uusapan sa social media ang “On the Wings of Love” na isang consistent trending topic sa Twitter.

Maging sa iWant TV, ang “On the Wings of Love” pa rin ang pinakapinapanood na programa na nakaani ng 4.4M total views noong Oktubre. Dapat rin abangan ng mga OTWOLista ang napakaraming sorpresa at merchandise ng “On the Wings of Love” sa susunod na mga buwan kabilang ang worldwide Spread the Love Tour.

Paano makaaapekto sa love story nina Clark at Leah ang pagdating ng karakter ni Paulo Avelino? Abangan sa “On the Wings of Love,” Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng “Pangako Sa’Yo,” sa ABS-CBN Primetime Bida.

Kaka-excite naman ito gyud!

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …