Pero, ginawa naman daw nila ang lahat para mapaganda at magustuhan ng mga manonood ang Haunted Mansion na anim na buwan pala nilang ginawa sa ilalim ng supervision ni Direk Jun Lana.
“Lahat ibinigay namin at ang sarili namin, ibinigay namin para matuto. Kahit hindi ganoon kaganda ang kalabasan nito o hindi man masyadong kumita, masaya kami. Hindi po kami mawawalan kasi natututo po kami at nag-enjoy kami,” ani Jerome.
“Basta kami, I know we’re in the best team. Ginawa namin ang lahat-lahat para mapaganda,” sambit naman ni Marlo.
Sinabi naman ni Direk Jun na hindi mawawala ang kilig factor sa pelikula at pa-cute porke’t horror ang tema ng movie.
Basta ang tiyak din, makare-relate ang mga kabataan sa Haunted Mansiondahil tungkol ito sa kuwento nila lalo na ‘yung adventurous, makulit, at walang pakialam sa mundo lalo na sa panahon ngayon ng social media.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio