Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kathryn, natabunan na sa PSY dahil sa pagpasok ni Sue

112415 kathryn Sue Anna Ramirez
MAY isang KathNiel fan na nagrereklamo dahil hindi na raw nabibigyan ng highlight si Kathryn Bernardo at ang third party na ang binibigyan ng importansiya sa book 2 ng Pangako Sa ‘Yo.  Hindi na raw bida si Kath sa soap dahil panay ang bigay ng highlight sa isang baguhan na siyang third party sa buhay nina Yna and Angelo (Daniel Padilla).

Ang nakakaloka lang, tinarayan ng isang @_ashmarian si direk Mae Cruz Alvira. Talagang sinabihan niya itong marami ang nakapapansin na parang pumapangit na ang PSY. Halatang nag-e-emote siya dahil ang feeling niya ay pinababayaan na si Kathryn.

Pero sa tingin namin, hindi naman talaga pinababayaan si Kath ng director at writers ng PSY. Nagkataon lang na may pumasok na third party kaya siya ang binibigyan ng moment ngayon. Mas naging exciting nga ang teleserye dahil sa presence ni Sue. Mas nagka-flavor nga at ang cute ng moments ni Daniel lalo na roon sa eksena sa tapat ng bahay na naka-bike si Daniel. (Medyo naiingayan lang ako sa walang kawawaang away nilang dalawa—ED)

“As a filipino viewers. Ako nagagandahan sa story! mas gumanda! Madaming na kasing tao ang nagugustuhan si Sue kasi Magaling naman talaga sya. Anong gusto ng fans walang eenter na third party laging gusto nila puro kilig? Manahimik nga kayo mga KN fans mashado kayong demanding, yung bida nga hindi nsgrereklamo tas kayo puro complain. Halatang threatened kay Sue eh,” say ng isang fan ng show.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …