ANG talent manager na si Rams David ang naghayag sa pamamagitan ng kanyang Instagram account na nanganak na via normal delivery kahapon si Marian Rivera sa isang malusog na baby girl.
“just received the best news from Dong and the best Christmas gift from God. LoloLa Nako!!!! Congrats @dongdantes & @therealmarian God Bless Maria Letizia. Salamat sa lahat Ng nag pray for Yan and Zia mahal po namin kayo. Ito na ang magandang balita sa Araw na ito,” anito.
Kasunod nito ay ang pagpo-post din ng palitan nila ng text ni Dingdong Dantes na nagkompirma ukol sa balita.
Ayon kay Dantes, isinilang ni Marian si Maria Letizia, 5:25 a.m. kahapon, November 23. “Thank God they are both safe and okay,”anito.
Congrats sa mag-asawang Marian at Dingdong.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com
