Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Hashtag Michael Angelo Season 3, tunay na Intertainment

 

111815 Michael Angelo chooks

00 SHOWBIZ ms mHINDI po mali ang spelling ng aming pamagat na intertainment. Tama po ito dahil ito ang maglalarawan sa show ni Michael Angelo sa GMA NewsTV, ang#Michael Angelo na isang inspiring at entertaining show.

Ang #MichaelAngelo Season 3 ay isang 30-minute inspirational comedy talk show na magtatampok ng mga bagong segment at magha-highlight ng mga portion na rati nang nagustuhan ng mga viewer tulad ng TomGu sketches, Payobg Kahashtag, at ang Celebrity Guest interviews.

At sa bagong season, mapapanood ang New Celebrity Gimmik, na bukod sa usual games kasama ang mga celebrity guest, magkakaroon ng “Celebrity Challenge” na itsa-challenge sila para gumawa ng stunt para sa viewers. Magkakaroon din ng “Celebrity in Action” na ipa-follow o iko-cover ang mga ginagawa nilang advocacy.

Mayroon ding Short Inspirational Talk na alam naman nating magaling at maayos na nagagawa ni Michael Angelo maging ito’y personal (interpersonal relationshil), Social (Trending ‘uso’), o Political (sino ba iboboto?) issues na tiyak na kapupulutan at magiging interes sa mga manonood.

Sa galing magsalita ni Michael Angelo, tiyak na kulang ang 30 minuto sa rami ng gusto niyang ibahagi sa viewers. At tiyak kong walang maiinip sa sinumang tututok sa kanyang show. Kaya kung gusto ninyong ma-inspire, sumaya, at magkaroon ng good vibes, tutok lang sa Hashtag Michael Angelo sa GMA NewsTV channel na mapapanood tuwing Sabado, 4:50 p.m.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …