NAALALA ni Alex Gonzaga ang nakaraan niya while hosting ABS-CBN’snew reality show, Dance Kids.
“Mayroon isang contestant, doon sa send-off nila sabi, ‘kuya galingan mo.’ ‘Oo bunso gagalingan ko.’ Parang naalala ko rati noon, nag-audition kami ng ate ko (Toni) sa ‘Ang TV’ na hindi kami nakuha pareho. Isinama ako ng ate ko tapos nasarhan pa ako ng pintuan, kaming dalawa. Nakita ko pa si Mr. M (Johnny Manahan) pero hindi na ako naaalala ni Mr. M,” chika niya.
“Ako ‘yung kumakausap sa mga bata bago sila sumayaw and then ako ‘yung sumasalubong and then during the performance kasama ko ‘yung family nila sa Family Room,” paliwanag ni Alex sa kanyang role bilang host kasama si Robi Domingo.
“Actually, minsan nagtatawanan sila sa performance, hindi nila alam na sa Family Room ay nagti-‘TV Patrol’ acting na kami roon dahil sobra ‘yung (emotion). Hindi ko alam kung may pinagdaraanan ‘yung family na personal o talagang happy lang talaga sila,” dagdag niyang chika.
UNCUT – Alex Brosas