Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Siputin kaya nina Alden at Maine ang Push Awards ng ABS-CBN?

110715 adub

NOMINATED sina Alden Richards at Maine Mendoza sa forthcoming PUSH Awards and the big question is siputin kaya nila ang event?

In fairness sa ABS-CBN, sila ang nagma-manage ng nasabing online website, hindi nila pinairal ang network war. We’re saying this dahil maraming Kapuso stars ang pasok sa list of nominess. Ilang category din na pasok ang AlDub. In fact, mayroon silang nominations sa individual categories ng award-giving body.

Actually, tapos na ang botohan. Last November 3 pa nagtapos ang voting at isang magandang malaman ay kung sinuportahan ng AlDub Nation ang idols nila. Maipanalo kaya nila ang kanilang idols?

May chika kasing hindi masyadong nag-effort ang AlDub Nation sa pagboto dahil alam nilang rival network ang may pakana ng awards.

Pero ang tingin namin, lahat ay gagawin ng AlDub Nation para maipanalo ang manok nila. Alam naman natin kung gaano sila ka-die hard fans ng AlDub.

Pero alam din natin kung gaano kapikon ang AlDub Nation. Kung matalo ang manok nila, for sure ay magwawala ang mga iyan sa social media. Kung ano-ano ang sasabihin nila, not knowing na online voting ang labanan.

Ang image kasi ng AlDub Nation ay palaaway. Sila ang pinakamatinding bashers ngayon sa social media. Kinukuyog nila ng lait ang sinumang tumira sa kanilang idolo. They are not reasonable. Wala silang pakialam kung basher ang turing sa kanila. AlDub Nation’s attitude really sucks.

Going back to Maine and Alden, dumalo kaya sila sa Tuesday, November 10 na siyang coronation night ng PUSH Awards?

Ang feeling naming ay dedeadmahin nila ang event. Ang perfect alibi? Busy sila at mayroon silang schedule sa araw na iyon.

Mas mabuti kung dadalo sila at maging sport sa kahihinatnan ng botohan. ‘Wag na nilang gayahin ang AlDub Nation na palaging pikon kaya palaging talo.

UNCUT – Alex Brosas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Alex Brosas

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …