Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Keribeks Job Fair, nakapagbigay ng maraming trabaho sa LGBT Community

110715 keribeks

00 SHOWBIZ ms mDINAGSA ng mga miyembro ng LGBT Community ang kauna-unahang KeriBeksJob Fair na ginanap kamakailan sa Skydome, SM North EDSA. Mahigit 1,000 beki, lesbian, at transgender ang nagpunta para sa isang buong araw na fair. Ito ang unang event ng KeriBeks matapos ang matagumpay na gay congress sa Araneta Coliseum noong Agosto. Ito rin ang kauna-unahang job fair na eksklusibo para sa mga miyembro ng LGBT.

Makikita sa larawan na nag-pose para sa isang picture taking kasama si Korina Sanchez Roxas ang lima sa maraming LGBT members na umuwing may trabaho –hired on the spot, ‘ika nga.

Ilan sa mga nabigyan ng trabaho ay sina Daniel “April” Lince, 50, ng Marikina na naging call center agent sa isang BPO company; Xyza “Lance” Ravinera, 31 na isang Civil Engineering; Garry David, na nakapasok bilang administrative associate sa isang BPO company; Jan Rey “Yeng” Cuico, 26, na hired on the spot sa Team Sir George Salon;

At ang service crew na si John Ernest Marco na naging office assistant sa isang dental clinic.

Sa job fair na iyon ay swak na swak ang mister ni Korina na si Mar Roxas, ang tinaguriang Ama ng Call Centers sa bansa dahil siya ang opsiyal na nagpalago ng industriyang ito sa Pilipinas at marami sa mga nagtungo ang nabigyan ng trabaho bilang call center.

Sa buong maghapong job fair ay may mga booth din na puwedeng ikutan ang mga nag-aaplay ng trabaho na alok ang libreng pagkain, libreng kape, at libreng gupit, at face painting. Nagbigay din ng HIV/AIDS awareness and prevention talk ang grupongProject Red Ribbon. Sinabay na rin sa araw na iyon ang signature campaign para sa pagsusulong sa kongreso ng Anti-Discrimination Bill (ADB) na akda nina Congresswomen Leni Robredo at Kaka Bag-ao.

Ang ADB ay para sa pantay na karapatan ng mga beki at buong LGBT Community lalo sa mga usapin ng gender identity at expression, ganoon din sa mga isyu tungkol sa diskriminasyon sa trabaho at serbisyong panlipunan.

Sinundan naman ang fair ng mini-concert na nag-perform ang nag-guguwapuhang grupo na 1:43 at ang singer na si Dessa.

Ang Keribeks Job Fair ay inorganisa ni Korina para mabigyan ng pagkakataon ang mga miyembro ng LGBT na makahanap ng magandang trabaho na walang nararamdaman at hinaharap na deskriminasyon.

Sabi nga ng mga grupo ng LGBT—”thank you Miss K!”

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …