Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Megasoft, sobrang happy sa pamilya ni Jolina

110315 jolina magdangal ESCUETA

00 SHOWBIZ ms mMAS pinili ni Jolina Magdangal na pag-usapan ang anak niyang si Pele sa launching ng Super Twins Premium Diaper ng Megasoft Hygienic Products, Inc., kaysa magbigay ng komento ukol kay Claudine Barretto at iba pang isyu.

Aniya, hands on parents sila ng asawa niyang si Mark Escueta kay Pele kaya naman hangga’t maaari talagang gusto nilang lumaking magalang si Pele. Gusto niyang matutuhan agad ni Pele ang pagsasalita ng ‘po at opo’. At hindi rin daw siya komporme na pinapalo ang anak. Mas gusto raw niyang kinakausap ito o nadadala sap ag-uusap ang anumang problema.

“Hangga’t makakausap ko siya ng maayos. Kung kailangan ng tiyaga, tatyagain ko talaga,” ani Jolens.

At naikuwento ni Jolens na madalas silang mag-usap ni Judy Ann Santos ukol sa mga anak-anak.

“Na-miss ko siya (Juday). Noong time na magkita kami, ang tagal naming hindi nagkita, parang taon na yata. Kaya noong nagkita kami, first week of October yata ‘yon,  na-miss ko siya ng sobra.

“Feeling ko nga, parang kulang pa ‘yung time namin together, eh, para makapagtsikahan. Parang kailangan ko pang mag-effort para madalaw ko siya.

At kahit madalang silang magkita ni Juday, best friends pa rin ang turingan nilang dalawa.

SAMANTALA, hindi naman maiwasang manggigil ng mag-asawang Emilio at Aileen Go, may-ari ng Megasoft Hygienic Products kay Pele. ”Ang cute ni Pele,” sambit ng mag-asawa.  “So happy to have the three of them now sa Megasoft. Fan ako ni Jolina at alam niya ‘yun. Wala kaming naging problema while doing the photoshoot and video shoot nilang tatlo. Of course, dahil nga sa baby pa si Pele, may times na inaabot siiya ng antok while nasa set, so we have to adjust kasi ganoon talaga ang baby.

“May oras talaga ang baby at alam mo ‘yun kapag medyo umiiyak na siya and malikot na. Kapag gising na siya, roll naman kaagad kami. Ang saya lang sa set and wala akong masabi sa cooperation nina Mark and Jolina.

“We did it!,” masayang kuwento pa ni Aileen na super hands on sa project katuwang ang Big Boy Productions ni Baby delos Reyes.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …