Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pulis–Maynila tulisan… sino?

Bato BalaniMATAGAL na umanong ilegal na nag-o-operate mga ‘igan, ang dalawang (2) business establishments, na ayon sa aking ‘pipit’ ay pagmamay–ari ng isang ‘mamang’ pulis–maynila. (Ha?)

Dagdag ng aking ‘pipit,’ ito ang “Rush Hour Gym” at ang “Benjo’s Resto Bar “ ni Mamang Pulis–Maynila, na no business permit sa New Panaderos St., Sta. Ana, Manila. Pero…naku, walang takot na nakapag-o-operate ang mama! (Ganoon ba?)

Aba’y teka mga ‘igan, e di ba sabi ni Asyong Salonga, “No business permit…no operation?” Pero, tila iba ang mamang ito ‘igan. Nakakata”cute umasta! Mantakin n’yong sabi ng aking ‘pipit,’ lagi umanong ibinibida na malakas daw s’ya sa administrasyong “Erap” at walang pwedeng tumibag sa kanya!

Wow, astig ha! Pero teka…hindi ba’t katarantadohan na itong inaasal ni “Mamang Tulis ‘este’ Pulis?

Bad ka ha…he he he…

Actually mga ‘igan, noon pang isang taon (2014), nang makipag-ugnayan sa Manila Barangay Bureau (MBB) si Barangay 893 Zone 99 District VI Chairman Carlos C. Castañeda ng Sta. Ana, Manila, upang paimbestigahan ang dalawang (2) “business establishments” ni mamang pulis-Maynila, ang Rush Hour Gym at Benjo’s Resto Bar, na walang business permit, sa New Panaderos St., Sta. Ana, Manila.

Take note mga ‘igan, lagi pa umanong ipinagmamalaki ng mama na lagi raw siyang nasa ppis (noon) ni Manila city administrator Atty. Simeon Garcia kaya malakas siya! He he he… Ganoon ba? Ano… tagatimpla ng kape? (Joke… joke… joke…) 

Hayun! Sa lakas nga n’ya ay nag–isyu ng closure order (noon) kay mamang pulis-Maynila, ang Manila Bureau of Permits (o loko…) na nasa pamumuno ni Atty. Fortune Opinion Mayuga.. Kung kaya’t, ang “closure order” ay idinikit (posted) sa nasabing dalawang (2) “business establishments.”

Sa madaling salita, naipasara. Pero mga ‘igan, sa tigas ng panga at kapal umano ng mukha ng mamang pulis–Maynila, aba’y na-caught in the act umano ng aking ‘Pipit’ na tinanggal ang ‘closure order’ sa nasabing business establishments.  So, the “Rush Hour Gym” was regularly operated again! At ang nakadikit na ‘closure order’ sa “Benjo’s Resto Bar” ay bonggang tinatanggal sa gabi para makapag–operate’ at idinidikit ulit sa umaga! Ha ha ha… Ano ito, taguan? Bunnnggg!

Ang imbesigasyon ay umabot na noon pa sa kaalaman ni Secretary to the Mayor Atty. Edward S. Serapio.

Paliwanag ng aking ‘Pipit’ mga ‘igan, may endorsement letter at recommendations na ginawa, noong “time” na ‘yon, si Manila Health Department–Acting City Health Officer Benjamin M. Yson MD, MPH, at isama pa ang “Inspection Report” na ginawa naman ni Manila Health Department–Sanitation Inspector III Norman De Jesus, laban sa dalawang establishments, na mananatiling nakasara hangga’t hindi pa naitatama ang “violations.” Naitama na kaya ang mga “violations?”

Sa kasalukuyan ay ganoon pa rin ang reklamo laban kay mamang pulis–Maynila, ang hindi pagsunod sa tamang proseso. Sus, ayaw umanong kumuha ng “Barangay Business Clearance” sa barangay na sumasakop sa kanyang business establishments, na isa sa requirements sa pagkuha ng business permit sa Manila – Bureau of Permits . Ang laging sinasabi umano ng staff ng mamang pulis–Maynila” … “Meron na po kaming permit.”

E, paanong mangyayari iyon e…ayon sa aking ‘pipit’…ayaw ng mamang pulis–Maynila na makipag–”cooperate” kay Barangay Chairman Carlos C. Castañeda. Hindi dapat tino–”tolerate” ang ganitong “astang–astig.”

Hoy hoy hoy Manila Police Reynaldo Banzon, aba’y kung totoo nga ang sumbong ng aking “pipit” ay umayos ka. Isa kang “Public Servant” na dapat pamarisan at maging modelo ng sambayanang Manilenyo. Ang paglabag mo sa R.A. 7160 Section 152 Paragraph C ang ikapapahamak mo. Dapat ay malinaw ito sa‘yo. Sige ka, “Penalized if find Guilty…” Ikaw din, baka pagsisihan mo ang hindi mo pagsunod sa tamang proseso. Sunod–sunod lang pag may–”Time”… ay mali… It should be all the time, ang pagsunod sa batas, di ba mga ‘igan?

Watch–Out…

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Johnny Balani

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …