Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maria Labo, baliw ba o aswang?

102715 roi vinzon mara labo

00 SHOWBIZ ms mINTERESTING ang debut horror film ni Roi Vinzon under Viva Films, ang Maria Labo na isang urban legends at nagmula ang kuwento sa parteng Visayas.

Bagamat ikatlong pelikulang naidirehe na ito ni Roi, first time niyang gumawa ng horror kaya malaking challenge ito sa kakayahan ng aktor/direktor.

Ani Roi, naging interesado siya naging itong pelikula dahil bukod sa matinding kilabot, may ibang emosyong maaaring ibigay ang Maria Labo.

Ang Maria Labo ay ang kilalang aswang umano na taga-Iloilo na ang sabi ng iba’y nagmula sa Capiz at Sorsogon na kumatay sa kanyang mga anak at inihain pa sa kanyang asawa matapos niyang pagpistahan ang mga ito. Hanggang ngayon marami pa rin ang nainiwala na tuloy pa rin ang pag-atake ni Maria Labo.

Gagampanan ni Kate Brios si Maria, isang mapagmahal na asawa’t ina na sa kagustuhang tulungan ang asawang si Ermin (Jestoni Alarcon) para maitaguyod ang pamilya nahikayat siya ng kaibigang si Emily (Sam Pinto) na magtrabaho sa isang bansa. Bilang caregiver sa Dubai, naging malapit si Maria sa kapwa-OFW na si Nanay Leng, pero masaklap ang dinanas niya sa kamay ng mga dayuhan.Wala na sa kanyang katinuan nang pinabalik si Maria sa Pilipinas. Ngunit ang mas matindi rito, siya ay nagmistulang halimaw na kumakain ng buhay na hayop at lamanloob ng tao. Habang nalalagay sa panganib ang lahat, kailangang matuklasan ni Ermin ang dahilan kung akit nagkaganito ang kanyang asawa.

Sa Ilonggo, ang ‘labo’ ay nangangahulugan ng ‘to hack’ or ‘pagtaga’. Ito ang nangyari sa mukha ni Maria kaya idinikit ang salitang ito sa pangalan niya.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …