Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PBA maglalaro sa Biñan

020415 PBAINANUNSIYO ng PBA na ang mga laro na dapat sanang gawin noong Miyerkoles sa Philippine Cup ay gagawin na sa Alonte Sports Arena sa Biñan, Laguna, sa Nobyembre 17.

Gagawin sa nasabing venue ang mga larong Barako Bull-Mahindra at Barangay Ginebra San Miguel-Meralco sa alas-4:15 at alas-siyete ng gabi, ayon sa pagkakasunod.

Matatandaan na noong Miyerkoles ng gabi ginanap ang opening ng bagong PBA season sa Mall of Asia Arena dahil sa bagyong Lando na nagresulta sa pagpapaliban ng pagbubukas ng liga noong Linggo.

Samantala, kuntento si PBA Media Bureau Chief Willie Marcial sa sobrang kaunting tao na nanood ng opening ng PBA noong Miyerkoles.

“Maganda na ‘yung crowd considering the postponement of the opening day,” wika ni Marcial. “Kung natuloy yung linggo, puno dapat tayo. Malaki kasi yung ire-refund na mga tickets sa fans.”

ni James Ty III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …