LABANAN ang korupsiyon ang unang sigaw ni Dr. Lito Roxas na naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) at seryosong lalaban para alkalde ng Pasay City.
Hindi naman ‘bagong’ pangalan si Dr. Lito sa mga taga-Pasay.
Katunayan nakapagsilbi na siyang congressman kaya masasabi nating gamay na niya at kabisado ang problema ng lungsod.
Sa pagpupulong na isinagawa kamakailan, madiin ang pagbangit ni Dr. Lito sa kanyang mga programa gaya ng medical assistance.
May bonus rin siyang pangako na libreng gamot sa Mercury drugstore, educational assistance, pamamahagi ng mga ambulansiya, livelihood program at scholarship program.
Magbibigay rin umano siya ng trabaho at higit sa lahat aayusin niya ang peace and order
Wala tayong makitang mali sa mga platapormang ito ni Dr. Lito.
At marami na ang gustong gawin ito ni Dr. Lito para sa Pasay City.
Ang tanong lang, papayagan ba ito ng mga Pasayeño?!
Aabangan natin ‘yan?!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com