Saturday , November 23 2024

Ang apat na babae sa buhay ni Chiz (Si Tintin, si Kris, si Heart at si Poe)

chiz girlsRESPETO sa babae at sa mga nakatatanda.

Isa ‘yan sa mga sukatan para masabing maginoo ang isang lalaki.

Ilang beses na bang nahantad sa publiko ang tila kawalan ng repspeto sa mga babae at nakatatanda ni Chiz?!

Maaaring hindi ito sa bruskong paraan, pero makikita ito kung paano niya itrato ang isang babae.

Sabi nga, si Chiz ay isang perennial user. Mukhang dito siya naging eksperto.

Edad 22-anyos pa lang si Chiz ay pinangarap na niyang pumasok sa politika pero pinagtapos muna siya ng abogasiya. Siyempre pundasyon ng pagiging politiko ‘yan.

Nakilala ni Chiz si Tintin na kumakanta sa isang hotel lounge at mukhang noon pa lang ay nakita na niya kung paano makatutulong sa kanyang political career.

Sa panahong iyon, niluluto na ni Chiz ang pagpasok niya sa politika, at nakita niyang adbentaha ang isang babaeng maganda, magaling kumanta pero hindi sosyalera at hindi magastos.

Kumbaga, wala siyang kaagaw sa limelight sakali mang ipakilala niya sa publiko ang kanyang karelasyon.

Tuso si Chiz. Lahat ng kanyang galaw ay planado. Lahat ng pakikipag-ugnayan niya sa tao ay may rason hindi pwedeng simpleng acquaintance lang.

Kaya hindi na nakapagtataka kung nauwi sa paghihiwalay ang relasyon nila ni Tintin.

Kagulat-gulat na habang pumapailanlang ang pangalan ni Chiz sa mundo ng politika at serbisyo publiko ay hindi naman makita ni anino ng kanyang first lady.

Minsan nang pumutok ang pangalan ni Chiz na itinutulak para tumakbong presidente. Katunayan ilang ‘fund raising’ event na rin ang binuo at naganap para sa nasabing layunin.

Pero nenerbiyos yata si Chiz kaya umatras siya. Nagalit ang kanyang supporters & financiers.

Lumaylay at lumamlam ang political career ni Chiz. Kasunod nito, pumutok ang paghihiwalay nila ng kanyang asawang si Tintin at ang itinuturong third party si Kris Aquino.

Dahil kay Kris, muling  pumutok ang pangalan ni Chiz. Negatibo man ang isyu, ang importante muli siyang napag-uusapan.

Hanggang maging sila ni Heart.

This time, the user begets what the user deserves. Kapwa ‘laos’ sa kani-kanilang karera sina Chiz at Heart nang sila ay magkita.

Pero sa dalawang panig, mas agrabyado si Heart. Maganda, heredera at kahit hindi sumikat sa showbiz, made na si Heart.

Si Chiz, sa panahong iyon ay isang bangkaroteng politiko. Maagang naging ex-future president. Walang naimarka sa Kamara at lalong hindi nagmamarka sa Senado bilang isang statesman.

Iba ang karisma ni Chiz sa bebot. Mantakin ninyong maging magulang ni Heart ay tinabla niya in favour sa lalaking tinutula-tulaan siya?!

Ganyan katindi ang kamandag ni Chiz.

Hanggang dumating si Grace Poe.

Ang ‘pulot’ na rehistradong unica hija ng nasirang FPJ at local showbiz queen na si Susan Roces. Hindi na tayo magtataka kung isa si Chiz sa mga nagsulsol kay Grace para pumasok sa politika dahil kitang-kita naman kung paano kumukuha ng desisyon sa kanya si Grace.

Sa kanilang tandem, bise presidente si Chiz pero sa realidad, tila isang ‘first gentleman’ na queenmaker ang papel ni Chiz sa political career ni Grace.

Sabi nga, nakakikilabot ang karisma at katusohan ni Chiz lalo na kung ginagamit niya ito sa mga babaeng mahal ng sambayanan, pabor sa kanyang ambisyon at pansariling kapakanan. 

Ngayon na ba ang tamang panahon para mag-ingat ang sambayanan laban kay Chiz?! 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *