IPINAGKIBIT-BALIKAT lamang ni JM De Guzman ang kumalat na report sa internet kahapon na natagpuan siyang patay sa Taytay, Rizal.
Sa Instagram post ng actor, ipinakita nito ang screen capture ng naturang fake report na may headline na, “Breaking News: Actor na si JM de Guzman natagpuang patay sa Taytay Rizal.”\ na nilagyan naman ng caption ng actor ng “What to believe?”
Nagpahayag ng pagkadesmaya ang fans ni JM ukol sa maling balita samantalang sinabi naman ng iba na huwag na lamang pansinin o bigyang halaga ang naturang report.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com
