Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tom at Carla, ayaw pa ring umamin sa tunay na relasyon

041415 Tom Rodriguez Carla Abellana

00 SHOWBIZ ms mHINDI pa rin napaamin ng mga dumalong entertainment press sa presscon ng No Boyfriend Since Birth sina Carla Abellana at Tom Rodriguez na mapapanood na sa Nobyembre 11 handog ng Regal Films ukol sa tunay nilang relasyon.

Sinasabing mahigit ng isang taon ang magandang pagtitinginan nina Carla at Tom subalit wala pa ring pag-aming naririnig mula sa dalawa. Kaya naman natanong ang actor kung napapagod na ba siya sa pangungulit ng press?

“Hindi naman siguro ako napapagod. Pero I feel na I’ve answered it before, na kapag sinasabing repeat the lines, ganoon.

“Kaya I don’t know what more I have to say. I’ve said parang everything that I wanted to share. Gusto ko yung sinabi ni Direk Joey Reyes, na we would like… for me at least, that I would like to keep private rin, parang compartmentalized.

“Sa industry that I am in now, and I fully understand it, that everything should be out there almost like a public property.

“Yes, I am a public property, pero in a way, siguro we have some things na we would like to put sana (in private). Pero, like I said, what you see is what you get” mahabang paliwanag ng actor na tampok sa naiibang kuwento ng pag-iibigan na punumpuno ng hugot lines mula sa isang babaeng umaasang ang dream guy niya noong highschool ang siya ring makakasama forever.

Gagampanan ni Carla si Karina Miranda, isang executive assistant ng isang bridal shop. Tigang sa lalaki dahil inlove sa pa rin sa high school crush niyang si Carlo Miranda (Tom). Matapos ang kanilang graduation, muling nagkita sina Karina at Carlo sa isang kasalan.

Sa movie, mabibigyang pag-asa ang mga babaeng makapiling ang tunay na dream guy at kung paano gagawing forever ang relasyon. Masasaksihan sa pelikula ang mga tip kung paano matatagpuan ang forever na relasyon.

Kaya kung gusto n’yo ng forever tips sa relasyon, watch na kayo ng No Boyfriend Since Birth sa Nov. 11 handog pa rin ng Regal Entertainment.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …