Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Patok sa Eleksyon… magpapatalbugan!

Bato BalaniAPAT na mga ‘igan ang kilalang tatakbong presidential candidates ng bansa, na siguradong bakbakan ang tapatan,  sa nalalapit na “2016 national election.  Nag-file na ng kani-kanilang certificate of candidacy (COC) sina Vice President Jojomar Binay, Ex–DILG Secretary Mar Roxas, Senadora Miriam Defensor–Santiago at Senadora Grace Poe. Matinding labanan ito mga ‘igan!

Siyempre, magpapasiklaban ang bawat isang Kandidato at Kandidata sa isang Paligsahan… isa–isang tutulay sa alambre ang mga gung–gong ‘este’ ang mga kagalang–galang upang ilikas ‘este’ iligtas ang kabang-yaman sa Bulsa ‘este’ ng Bansa. Ang iba riyan, mangangakong ibibigay ang langit at lupa, pati na ang kaluluwa, manalo lamang sila sa nalalapit na eleksyon.

Sus ginoo!

Ayon sa aking “Pipit,” isa–isa na rin silang magpapanggap na maka-Diyos, makatao, maka–kalikasan, pero kabaliktaran pala ang mga “madyikerong-manloloko!” Mga mandurugas pala, makasarili, sinungaling, mapagsamantala at higit sa lahat, magnanakaw–mandarambong!

He he he…Pero teka mga ‘igan, ang matinding bulong ng aking “Pipit” mukhang nakalalamang umano ang “Ampoe ‘este’ Ampon! Ang problema poe, sa dami ng ipinupukol na “disqualification case” ay baka malusutan ito ni SantiaGo na laging Go go go…

***

Atin namang sulyapan mga ‘igan, ang mga magpapatalbugan sa pagka–bise presidente ng bansa.  Aba’y teka, mukhang apat (4) na Bikolano itong mag–aagawan sa boto. Botong manggagaling sa “Bicol Region.” Ito’y sina Sen. Chiz Escudero, Sen. Antonio Trillanes, Sen. Gringo Honasan at Cong. Leni Robredo. Si Sen. Peter Cayetano ay hindi Bikolano ‘igan, ngunit ang kanyang maybahay ay isa rin Bikolana. Silang lima (5), kontra sa nag–iisang “Ilokanong” si Sen. Bong-Bong Marcos, na marami pa rin ang naniniwala sa magandang pamumuno at pamamalakad ng pamilyang Marcos, partikular ang magandang ipinakita sa larangan ng politika ng kanyang amang si dating Pangulo ng Republika ng Pilipinas Ferdinand E. Marcos.

***

Balik tayo rito ‘igan kay Sen. Bong-Bong Marcos, na kilalang anak ng isang diktador. Tulad ng nasabi ko na, diktador mang nabansagan ang kanyang Ama, ay talaga namang marami pa ang tunay na nagmamahal at humahanga sa kanilang angkan, ang Angkan ng mga “Marcos,” lalong–lalo na sa kanyang Amang si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos, na ang ibig kong sabihin ay may sariling balwarte rin. Isa na nga rito ang Ilocos Norte, na ang “Marcos Family” magpahanggang ngayon.

Maging ang Bisaya tulad ng Samar, Leyte, kung saan isinilang ang dating Unang Ginang Imelda R. Marcos, ay magiging balwarte rin ni Bong-Bong Marcos, kung saka–sakali. Sa totoo lang mga ‘igan, ang magiging boto ni Bong-Bong ay magmumula nang bonggang–bongga sa Norte at Samar.

O ‘di ba ‘igan, anong magiging say mo pa?

At sa totoo lang, ayon din sa aking “pipit,” mukhang papatok din si Bong-Bong sa Luzon, kasama ng kanyang utol ‘este’ idol na si Grace Poe. He…He…He…

Magkatotoo kaya ang hula ng BBB, na ayon sa kanyang mahiwagang “Bolang Kristal” ay papasok sa banga ang tambalang “Poe–Marcos.” Why not? Walang masamang tinapay sa dalawang nilalang. Kapwa nagpakita ng kalinisan at kagalingan sa kanilang “Political Life.” Ngunit sa kabilang banda ay patuloy pa rin binabato ng intriga, kahit hindi naman mga Artista. Sabagay, may kasabihan nga tayo, “Ang Punong Mabunga ay Binabato!” Sadya nga namang mabunga ang “Poe” at “Marcos.” Kaya hayun, hindi magkandaugaga ang mga ungas sa pagkalkal sa baul ng katotohanan tungkol sa pagkatao nitong si Poe!  

Ang sa BBB lang naman mga ‘igan, ay mag–isip–isip ng isa…dalawa…tatlo…sa pagpili ng mabubuting politikong mamumuno sa ating bansa. Huwag magpadala sa mga propaganda at mga paninirang–puri ng mga taong walang magawa kundi ang humanap nang humanap ng mga bagay na makapagpapabagsak sa mga kandidato at kandidatang aarangkada sa nalalapit na eleksyon.

So, don’t forget mga ‘igan, na nakasalalay sa mga kamay mo ang bansang kinabibilangan mo…Good Luck to all!

At babuuu…     

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Johnny Balani

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …