Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

SBP magbi-bid para sa Olympic Qualifying Tournament

100615 FIBA qualifiers olympics 2016
NGAYONG nakamit ng pangulo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na si Manny V. Pangilinan ang kanyang pagnanais na magtatag ng malakas na koponan para sa FIBA Olympic qualifiers ay nais niyang mag-bid para maging punong abala ang Pilipinas ng isa sa mga torneong gagawin sa Hulyo ng susunod na taon.

Sinabi ni Pangilinan na payag siyang magbayad ng mahigit isang milyong euros o mahigit sampung milyong piso para sa panggastos ng SBP para sa torneo kung saan tatlong wildcard na bansa ang pupuno sa huling tatlong puwesto para sa men’s basketball ng 2016 Rio Olympics.

“I’m actually inclined to go for a bid. We need that 6th man to help the team out versus really formidable opponents. And you know me by now – I will labor and persist until this country achieves its goal,” wika ni Pangilinan.

Ilan sa mga bansang haharapin ng mas malakas na Gilas Pilipinas sa Olympic Qualifying Tournament ay ang France, Iran, Japan, Serbia, Czech Republic, Italy, Mexico, Angola, Tunisia at New Zealand.

Nagpasalamat din si Pangilinan sa Board of Governors at team owners ng Philippine Basketball Association (PBA) sa pagpayag nitong ipahiram ang mga manlalaro ng liga para sa Olympic Qualifying.

Naglabas ang PBA ng 17-man lineup para sa bagong Gilas na kasama sina Jayson Castro, Ranidel de Ocampo, Marc Pingris, Gabe Norwood, Calvin Abueva, Terrence Romeo, Japeth Aguilar, Greg Slaughter, LA Tenorio, Jeff Chan, Paul Lee, June Mar Fajardo, Marcio Lassiter, Matthew Ganuelas-Rosser, Troy Rosario, Ryan Reyes at Ian Sangalang.

Inalis na sa national pool ang mga hindi ginamit noong FIBA Asia sa Tsina na sina Asi Taulava, JC Intal, Dondon Hontiveros, Sonny Thoss at Gary David.

Naunang kasama na sa pool ang naturalized na manlalarong si Andray Blatche habang kung papayagan siya ng Los Angeles Lakers ay kasama rin si Jordan Clarkson.

Dahil sa Hulyo 4 hanggang 10 ng susunod na taon ang Olympic qualifying, inilipat ng PBA ang pagsisimula ng 2016 Governors Cup sa ikalawang linggo ng Hulyo at tatagal ito sa kalagitnaan ng Oktubre 2016.

Matatapos ang PBA Commissioner’s Cup sa huling linggo ng Mayo 2016 at magpapahinga muna ang liga para bigyang-daan ang araw-araw na ensayo ng tropa ni coach Tab Baldwin.

At, ayon kay PBA Deputy Commissioner Rickie Santos, ang 2016-17 season ng PBA ay magsisimula sa kalagitnaan ng Nobyembre at gagawin ang Rookie Draft pagkatapos ng Undas 2016.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …