Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mr. Tulfo, napaliligiran daw ng magaganda at sexy kaya bumabata

101515 Raffy Tulfo

00 SHOWBIZ ms mMATAPANG at walang preno ang bibig. Ito ang pagkakakilala ng marami sa TV anchor at broadcaster na si Raffy Tulfo. Pero very accommodating pala ito at masarap kausap sa totoo lang.

Nakahuntahan namin ang magaling na broadcaster sa 10th anniversary ng ATC Healthcare, tagagawa ng Robust Extreme na isa si Mr. Tulfo sa endorser nito kasama ang Mocha Girls at si Jackie Rice. Kapansin-pansin na tila bumata ng ilang taon si Mr. Tulfo kaya naman natanong namin ito kung nagpa-stem cell ba siya tulad ng nauuso ngayon.

“Dahil sa Robust kaya ganito hitsura ko,” natatawang giit nito sa amin. Endorser si Mr. Tulfo ng Robust Extreme, 440mg na naglalaman ng natural ingredients (Spiral Algae, Corn Extract, Medlar Extract, Ginseng Extract, Epimedium Extract, Cistanche Salsa Extract and Hawthorn Berry Extract) na nagpapatinag sa mga lalaking may problema sa pagkalalaki.

Ayon nga sa presidente ng ATC Healthcare na si Albert T. Chan, ang Robust Extreme ang pinakamalakas nilang produkto sa loob ng 10 taon na mabibili sa lahat ng grocery at drug stores patunay na epektibong endorser sina Tulfo, Mocha Girls, at Rice.

Ayon pa kay Mr. Tulfo, napapalibutan siya ng mga naggagandahan at nagseseksihang babae kaya bumabata rin ang hitsura niya. ”Eh, kasi napapalibutan ako ng mga sexy, kasi kapag naka-Robust ka, you feel sexy at saka parati akong masaya,” anito.

Natanong din namin si Mr. Tulfo kung sino ang iboboto niya sa pagka-pangulo at kung may ineendoso ba siya. ”Bawal, eh, kaya wala akong ini-endoso. Bawal kaming pag-usapan ang isang tumatakbong presidente, bawal kaming makita at bawal makihalubilo sa isang kandidato,” paliwanag nito.

At ang mga gusto niyang maging pangulo ng Pilipinas,  ”well, kung ako, wala akong ini-endoso, pero gusto ko ‘yung pumatay ng mga adik, holdaper, akyat-bahay, rapist. Wala akong ini-endoso roon, ha,” nangingiting sabi pa nito.

Sa kabilang banda, inamin ni Mr. Tulfo na kahit masaya at tigasin siya ay stress siya lagi. ”I’ll be lying to you kapag sinabi kong hindi ako nai-stress. Nut I know how to manage stress now, nasanay na ako thru the years.”

At hanggang ngayo’y madalas pa ring nakatatanggap ng threat si Mr. Tulfo sa pamamagitan ng text messages. ”Marami kasi ‘yung bashers ko sa text, minumura ako na hindi makain ng aso, kung ano-anong pinagsasabi against me na sanay na ako at hindi ko na lang pinapansin at hindi ko binabasa.

”Kaya nga wala wala akong facebook, twitter pero mayroon akong action line, roon nagpapadala ng malalaswa,”  kuwento pa nito.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …