Kasabay nito ang pagpapasalamat sa mga OTWOListas na walang sawang tumututok sa kanila hindi lamang ang mga nasa ‘Pinas gayundin ang mga nasa abroad na sumusubaybay sa kuwento nina Clark at Leah.
Hindi lamang naman kasi kilig serye ang OTWOL kundi may mga aral ding nakukuha lalo na sa mga OFW issue. Marami rin ang nakare-relate sa kuwento ngOTWOL lalo na’t marami ang mga Pinoy na OFW. Malinaw na naipakikita sa kuwento ang mga hirap na pinagdaraanan ng mga OFW na nagtatrabaho ng grabe para lamang may maipadala sa pamilya na nasa Pilipinas.
At ukol naman sa kissing scene na madalas nang nagaganap sa OTWOL, asahan pa raw natin na marami pang ganitong tagpo ang mapapanood.
Kaya hindi kataka-taka na sa magandang kuwento nito, laging nakapagtatala angOTWOL ng matataas na ratings nationwide simula nang umere ito. Sila rin ang may pinakapinanonood na programa sa iWant TV na mayroong 3.7 million page views para lang noong Setyembre.
At ang maganda pa, extended hanggang February 2016 ang OTWOL, ito’y ayon na rin Kay Mr. Deo Endrinal, Dreamscape Entertainment Television Business Head.
Nagkakaubusan na rin ang OTWOL collectibles na consistent bestseller ang pillows at iba pang merchandise nito. Pati scrapbook ay dinumog ng 4,000 fans na sa loob ng ilang linggo ay sold out na ang 10,000 copies at ngayo’y nasa second printing na.
At sa social media naman, tumitindi rin ang OTWOL fever. Laging trending topic worldwide ang OTWOL na pinupuri at pinag-uusapan bawat araw.
Kaya sa mga OTWOLista, tiyak na lalo kayong kikiligin sa mga susunod pang tagpo na hahamon pa kina Clark at Leah na biyaheng Pinas na. Sa bagong kabanata ng OTWOL mapapanood kung paano magsusumikap si Clark para suyuin ang tatay ni Leah na si Mang Sol (Joel Torre) na nagalit nang malamang nagpakasal na ang bunsong anak na wala siyang kaalam-alam.
SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio