Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Products na ine-endorse at ginagamit ni Maine, sold-out!

101215 yaya dub maine mendoza

00 SHOWBIZ ms mHAWAK na raw ni Maine Mendoza aka Yaya Dub ang korona bilang Top Endorser sa ngayon dahil sunod-sunod ang mga produktong ineendoso at kinukuha siyang endorser.

Sa loob lang kasi ng dalawang buwan, ilang produkto na nga ba ang kumuha sa kanya o sa kanila ni Alden Richards para gawing endorser?

Nariyan na ang McDo, O+ Mobile phone, Talk ‘N Text, 555 Sardines, at marami pa raw na mga susunod pa. At kung tama ang dinig naming ay mga apat o lima pa raw na produkto iyon. Wow! Grabe na talaga si Maine ha!

Bukod sa rami ng endorsement, nabalita ring sold-out ang mobile phone na ineendoso niya kasama si Wally Bayola bilang si Lola Nidora. Ayon sa balita, inihayag ng O+ Ultra phone company na ang kanilang mobile phone ay sold out na sa pamamagitan ng kanilang Instagram post.

“Due to insistent public demand, we are proud to announce that O+ Ultra is now out of stock! Thank you for allthe support and ot to worry for those who don’t have O+ Ultra phones yet because new stocks are coming next week! As Yaya Dub said, #MerongForever! #2DayBatteryLife #OplusUltra #ThankYou.”

Bukod sa mga endorsement, malakas din daw ang benta o sold-out din daw ang lipstick na ginagamit ni Maine. Ito raw ‘yung MAC’s Ruby Woo lippe na naging mabenta sa 14 brand counters. Ang naturang lipstick daw kasi ang ginamit ni Yaya Dub sa isa niyang commercial na siyang binanggit ng makeup artist niyang siKrist Bansuelo.

Sa mga pangyayaring ito, hindi malayong maging next queen of TVC at EDSA billboard na si Maine dahil marami pang commercial ang gagawin nito kasama si Alden. Congrats!

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …