Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daniel, gumawa ng advocacy video para sa first time voters

072815 daniel padilla

00 SHOWBIZ ms mHINDI lang ang pagiging cute, guwapo, matipuno, at galing umarte ang hahangaan kay Daniel Padilla sa oras na mapanood ang advocacy video ad campaign ukol sa pag-enganyo sa mga kabataan gayundin sa iba pang hindi pa nagpapa-rehistro para sa darating na 2016 election.

Actually, excited si Daniel sa 2016 elections dahil first time niyang boboto since 20 years old na siya this year.

“Ako siyempre, very excited. Unang-una, karapatan nating bumoto. Ang bawat tao may karapatang bumoto at siyempre, sino bang mamimili sa mga dapat mamamahala kundi tayo rin naman. So, very excited ako, isa siyang privilege na gawin,” sabi ni DJ (nickname ni Daniel) nang makapanayam namin ito last Saturday sa photo shoot for National Movement of Young Legislators Alumni.

Si Daniel ang napili ng NMLYI na gumawa ng naturang campaign dahil bukod sa malapit ito sa Secretary General nitong si Mike Planas, na tito niya, kinakitaan daw ng interes ukol sa darating na eleksiyon.

“Tumawag kasi sa akin ‘yang si Daniel at nagtatanong kung sino ba ang iboboto at nararapat na iboto sa 2016 election? Ang sabi ko eh, ‘teka nakarehistro ka na ba?’ at ‘yun na nga napag-usapan na namin ang tungkol dito sa ad campaign na ito,” sambit ni Planas nang makakuwentuhan muna namin ito bago sinimulan ang taping ng ad campaign.

Magpaparehistro si Daniel anytime dahil hanggang Oct. 31 na ang last day of registration. “’Yun naman talaga dapat, i-exercise natin ang right natin na bumoto, kaya nga isasama ko lahat ang kaibigan ko, eh sandamakmak ‘yung kaibigan ko kaya kung sinuman amg iboboto (namin) sigurado panalo na ‘yun,” sambit pa ng young actor. Hindi naman sure kung sabay silang magpaparehistro ni Kathryn Bernardo na puwede na ring bumoto, pero tiyak na sasabihan din daw niya ito para magparehistro.

Bukod sa pagpaparehistro, pinag-iisipan na rin ni DJ (tawag kay Daniel) kung sino ang karapat-dapat sa kanyang boto.”Yeah, ako, may mga sarili rin akong choices pero nagtatanong din ako kay Tito Mike, his ex-stepfather) ng lahat, like kung ano ang ginawa ng mga politikong ito. May mga pinag-uusapan kaming ganyan ni Tito Mike lagi. Para alam mo ‘yun, alam din natin, hindi tayo basta boto lang ng boto,” ani DJ.

Ani Daniel, dapat i- exercise ng bawat isa ang karapatang bumoto. “Kasi para sa akin, kung nagrereklamo ka sa bansa, huwag kang magreklamo kung hindi ka naman bumoto. Wala ka namang ibinoto, eh,” giit pa ng batang actor na matured na ring mangatwiran.

Pero bago bumoto, hinihikayat muna ni Daniel na magparehistro ang lahat ng hindi pa nakakarehistro especially ang first time voters.

Sa kabilang banda, iminungkahi ni Planas sa NMYLA na gumawa ng Public Service announcement para makapagparehistro ang mga first time voters at para maituro ang limang pamamaraan para makapagparehistro. May four to five miilion kasi ang bilang ng mga new voters at nasa 25 million naman lahat ng bilang ng mga hindi pa rehistrado kaya kailangang paigtingin ang kampanya ukol sa pagpaparehistro.

Kaya naniniwala si Planas na malaki ang maitutulong ng announcement na ginawa ni Daniel para marami ang makapagparehistro.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …