Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Officiating sa PBA lalong pagbubutihin — Narvasa

020415 PBASINIGURADO ng bagong komisyuner ng Philippine Basketball Association (PBA) na si Andres “Chito” Narvasa, Jr. na magiging mas maganda ang mga laro dulot ng mga pagbabago sa mga tawag ng mga reperi sa pagbubukas ng ika-41 na season nito sa Oktubre 18.

Bumisita si Narvasa sa ensayo ng lahat ng mga 12 na koponan ng PBA kung saan kinausap niya ang mga coaches at manlalaro tungkol sa mga pagbabago sa officiating na gagamitin sa pagsisimula ng Philippine Cup.

Sa ilalim ni Narvasa, matatawagan ng foul ng mga reperi ang mga manlalarong mahuhuling humahawak ng jersey at mga shorts ng kalaban, pati na rin ang wrestling sa court.

Bibigyan din ng rating sheets ang mga reperi para ma-assess nila ang ginagawa nila sa court at kung paano puwedeng mapabuti ang kanilang trabaho.

At simula sa Philippine Cup, apat na reperi ang gagamitin bawat laro kung saan ang ika-apat na reperi ay magiging kapalit sa isa niyang kasamahan na pagod o hindi gumagawa ng mga mabubuting tawag. (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …