Saturday , November 23 2024

Pan-Buhay: Kamatayan

00 pan-buhay“At namangha ang mga tao sa nakita nilang kapangyarihan ng Diyos. Hangang-hanga ang lahat ng mga tao sa ginawa ni Jesus, ngunit sinabi niya sa kanyang mga alagad, “Pakinggan ninyo at tandaan itong sasabihin ko: ang Anak ng Tao ay pagtataksilan at mapapasailalim sa kapangyarihan ng mga tao.” Ngunit hindi nila ito naunawaan sapagkat inilihim sa kanila ang kahulugan nito. Nag-aalangan naman silang magtanong kung anong ibig niyang sabihin.” Lucas 9:43-45

Matapos magpalayas ng demonyong sumapi sa isang bata, pinaalalahanan ni Jesus ang kanyang mga alagad tungkol sa nalalapit niyang kamatayan. Bagamat hindi siya naunawaan, minabuti ng mga alagad na manahimik na lamang. Marahil, katulad din natin, ayaw nating isipin o pagusapan ang tungkol sa kamatayan.

Ayaw man nating isipin ang ating kamatayan, hindi natin maitatanggi ang katotohanang lahat tayo ay mamamatay. Una-una nga lamang at hindi natin alam kung kailan. Dahil dito, makabubuting lagi tayong nakahanda. Para sa mga naniniwala sa buhay na walang hanggan, mahalaga na makamit natin ito pagdating ng ating oras.

Paano nga ba tayo magiging handa? Tandaan natin na, nang tayo ay isinilang, wala tayong dala-dala. Ganyan din ang mangyayari sa atin kapag tayo ay sumakabilang-buhay na. Kaya makabubuting palayain natin ang ating mga sarili sa pagkaka-alipin sa mga bagay-bagay sa mundo na nahihirapan tayong pakawalan. Kayamanan, mga ari-arian, kapangyarihan, katanyagan – ang mga ito ay karaniwan nating sinasandalan at magkaminsa’y dinidiyos sa ating buhay. Walang saysay ang lahat ng iyan sa harap ng paghuhukom sa atin ng Panginoon.

Ang pagkakaroon ng isang maayos at tamang pamumuhay ay magandang paghahanda para sa kamatayan. “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at nang buong pag-iisip. Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.” Mateo 22:37. Kapag ito ang ating susundin, di na tayo dapat matakot sa kamatayan. Bagkus, titingnan natin itong isang daan tungo sa buhay na walang hanngan.

(Ang PAN-BUHAY ay isang pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng panulat tungkol sa ating buhay espirituwal at sa ating Panginoon na tinatawag din nating “Ang Tinapay (Pan) na Nagbibigay-Buhay”)

ni Divina Lumina

About Divina Lumina

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *