Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Lovers’ itinali binoga sa SUV (Sa Mexico, Pampanga)

HINIHINALANG love triangle ang motibo ng pagpatay sa natagpuang bangkay ng babae at lalaki sa loob ng nakaparadang SUV sa parking lot ng SM mall sa Mexico City, Pampanga, kamakalawa.

Sa ulat na ipinadala sa tanggapan ni PRO3 director, Chief Supt. Rudy Lacadin, kinilala ang mga biktimang sina Aly Santos, 50, ng Concepcion, at Liezel Corpuz, 32, ng Sta. Catalina, kapwa ng Lubao, parehong may mga tama ng bala sa ulo.

Ayon sa roving guards ng SM mall, dakong 7 a.m. nang mapuna nila ang black Hyundai (MOB-19) na magdamag na nakaparada sa parking lot.

Nang kanilang silipin, nakitang may dalawang tao na walang malay sa loob. Bunsod nito, agad nilang ipinagbigay-alam sa mga awtoridad ang insidente.

Sa pagresponde ng mga pulis, nabatid na ang mga biktimang kapwa nasa likurang upuan ay nakatali ang mga kamay at may mga tama ng bala.

Napag-alaman, si Santos ay balikbayan, may pamilya sa Chicago, USA at ilang araw na lamang ay pabalik na sa nasabing bansa.

Habang si Corpuz ay hiwalay sa unang asawa, may isang anak na babae, at kasalukuyang may live-in partner.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Raul Suscano

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …