Friday , November 22 2024

Huwag ninyong gamitin si Digong!

duterteHETO na naman, maraming nakoryente sa isang post sa Facebook na nagdesisyon na raw si Davao City Mayor Rodrigo Duterte na tumakbong presidente.

‘E hindi pala totoo.

Hanggang ngayon ay hindi pa binabawi ni Digong ang kanyang desisyon base na rin sa payo ng kanyang pamilya.

Kayong mga urot nang urot kay Duterte, huwag ninyo siyang gamitin para sa pansariling interes ninyo. ‘Yung mama, hindi ‘yan humiwalay sa mga pangkaraniwang tao mula noon hanggang ngayon kaya kapado niya ang pulso ng politika sa bansa.

Hindi pinagdududahan ng mga naniniwala sa kanya ang kanyang kakayahan pero alam niyang hindi siya mananalo dahil iba’t iba ang manipulasyon ng eleksiyon sa bansa. 

Ang eleksiyon sa ating bansa ay hindi na nangyayari sa conventional na paraan.

Mula sa mind conditioning hanggang sa aktuwal na dibersiyon ng boto, lahat ‘yan pinakikialaman na ng mga political, media at election operators.

Kaya nga malaki ang ginagastos ng isang kandidato para masiguro ang kanyang panalo.

Ang katuwiran, mababawi naman ‘yan kapag nasungkit ang puwesto.

Gaya nga nitong kaso ni Duterte.

Aba pansinin ninyo kung sino ang mga nakapaligid kay Digong ngayon.

Marami sa kanila mga dating higop-sipsip kay ex-president GMA.

Isa na nga sa mga naglalambitin ngayon sa poder ni Digong ay si Raul Lambino, na kilalang-kilalang madikit at tagapagsalita ni GMA.

Ingat-ingat Digong, sakali ngang mabuyo kang tumakbong presidente ng bansa tiyak na pagkakaguluhan ka ng mga kalawang.

Remember: ang sumisira sa bakal ay kanyang sariling kalawang.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com              

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *