Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

 15-anyos dalagita hinalay muna bago pinatay (Sa CamSur)

NAGA CITY – Pinagsasaksak hanggang mapatay makaraang halayin ang isang 15-anyos dalagita Zone 3, Brgy. Impig, Sipocot, Camarines Sur kamakalawa.

Ayon kay SPO3 Rodulfo Mitran ng Sipocot-PNP, inutusan ng ina ang dalagita na bumili sa tindahan ng toyo at sibuyas ngunit halos mag-iisang oras na ay hindi pa rin bumabalik.

Agad humingi ng tulong ang ina ng biktima sa mga awtoridad para hanapin ang dalagita.

Hanggang sa natagpuan ang walang buhay na biktima habang nakahandusay sa madamong bahagi ng lugar, tadtad ng saksak at walang saplot sa katawan.

Sa pag-iimbestiga ng mga awtoridad, natagpuan sa bahay ng isang Reden Alden Paris, 23-anyos, ang ilang ebidensya na nagtuturong siya ang nasa likod ng krimen.

Ayon kay Mitran, may nakitang dugo sa bahay ng suspek habang natagpuan din ang biniling toyo at sibuyas ng biktima sa labas ng bahay ng salarin.

Pinaniniwalaang nanlaban ang biktima dahil sa nakitang mga sugat sa braso ni Paris na tila mga kalmot ng biktima.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …