Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kikay at Mikay, puwedeng-puwede sa Goin’ Bulilit

092315 kikay mikay

00 SHOWBIZ ms mNAKATUTUWA ang magpinsang Kikay at Mikay na ipinakilala sa amin ng katotong Richard Pinlac. Sila ang magpinsang sa murang edad (8 at 10) ay malinaw na ang gustong tahakin sa buhay, ang pag-aartista.

Kaya naman nang hingan namin sila ng kanta ay kaagag silang tumayo at walang hiya-hiyang ipinamalas ang galing sa pagkanta, pagsayaw, at pag-arte.

Kompletos rekados nga sina Mikay at Kikay dahil magaling sila at may talent kapwa sa pagkanta, pagsayaw, at pag-arte. Na-enrol pa nga sila sa isang music school para lalo pang mahasa ang talent sa pagkanta.

Sina Mikay at Kikay ay pamangkin ni Donita Rose kaya hindi nakapagtatakang mahilig din sa pag-aartista ang dalawang may dugong Koreana at ang isa’y may dugong Chinese.

Ang Mommy ni Kikay na si Diane at ang sister ni Mommy Evelyn Cavett na si Tita Vicky ang nagga-guide sa dalawang bagets na may mga contest na ring nasalihan at workshops na nasalangan. Pero kahit abala sa kanilang pangarap, hindi pinababayaan ng dalawang bagets ang kanilang pag-aaral. Kapwa nga sila nasa honor.

Sa mga talent na ipinamalas nina Kikay at Mikay, puwedeng-puwede sila sa Goin’ Bulilit ng ABS-CBN kaya naman umaasa ang mga ito na makapasa sila sa oras na makapag-audition.

Idol kapwa nina Mikay at Kikay si Jillian Ward kaya pala medyo may hawig ang pagkilos at pag-arte nila rito. Pero siyempre mas gusto nilang makilala at maipakita ang kung anumang talent mayroon sila.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …