Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Aiza, pinag-leave raw sa ASAP 20

091715 aiza ryzza eula asap

00 SHOWBIZ ms mKINOMPIRMA ni Aiza Seguerra ang nabalita ng isa naming kolumnista rito sa Hataw na pinagpahinga muna siya ng management ng ASAP 20.

Sa presscon noong Martes ng bago niyang seryeng The Ryzza Mae Show Presents. . . Princess in the Palace na produce by TAPE, Inc. at mapapanood na sa Sept. 21 saGMA-7, sinabi ni Aiza na binigyan siya ng leave of absence ng ABS-CBN management habang mayroon siyang Princess in the Palace.

Napag-alaman naming walang exclusivity si Aiza sa kahit anong network kaya puwede siyang tumanggap ng show kahit saang network basta’t hindi magkakatapat-tapat ito.

Ani Aiza, hindi siya nagtanong sa management kung bakit  siya pinag-leave.

Aniya, nalungkot nga siya sa desisyong ito ng ASAP 20 pero nirerespeto niya ang desisyon ng Kapamilya Network. ”No hard feelings. I understand, and I respect the decision. Yes, I felt bad because I will miss ‘ASAP’. More than anything, more than the decision, I will miss the people, I will miss the Sessionistas, it became a habit for me, it has been six years already straight.”

Sinabi pa ni Aiza na hindi niya inaasahang mangayayari ang pagpapahinga niya sa ASAP lalo’t  hindi nga naman direktang magkalaban o magkatapat ang Princess in the Palace at ang Sunday show ng Dos.

“But siguro, right now, alam naman natin hanggang ngayon, mayroon pa ring network thing na nangyayari, especially I think with the AlDub issue, medyo fierce ngayon, so yeah, I think they’re just protecting themselves din.

“And ang sabi lang nila, they don’t wanna set precedent na gawin din ng ibang artists ‘yun sa kanila. So, that’s fine,”giit pa ni Aiza.

Very thankful naman si Aiza sa TAPE family niya dahil lagi raw nasa tabi niya ang mga ito anuman ang mangyari. Alam niyang hindi-hindi siya iiwan ng TAPE family niya.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …