Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Daisy Romualdez, nagpupuyos sa galit sa pagkatalo ni Tina Paner

091615 daisy romualdez
KAKAIBANG eksena naman ito sa Eat Bulaga pa rin.

Ang segment doon na Bulaga Pa More noong Sabado had Arnell Ignacio as the winner na tumalo kay Tina Paner. Yes, ang nagbabalik-showbiz na anak nina Manny Paner at Daisy Romualdez.

Ang naturang segment ay hindi lang pahusayan sa larangan ng pagkanta, kundi sa iba’t ibang aspeto ng pagpapakita ng talento.

Of course, Tina was a welcome sight on TV makaraang manatili ng matagal na panahon sa Spain. Whether the former That’s Entertainment member and the trio Triplets (along with Sheryl Cruz and Manilyn Reynes) is here for good ay hindi namin alam.

Pero isa lang ang tiyak, mula noon hanggang ngayon ay stage mother pa rin si Tita Dai (Daisy Romualdez).

Nang ideklara na kasing panalo si Arnell—at hindi nga pinalad si Tina—galit na tumawag daw ang dating Sampaguita  star sa reporter at anak-anakang si Richard Pinlac, ”’Day, imagine, natalo si Tina?!”  bungad ng nagppupuyos sa galit na si Tita Dai.

“Kung si Lea Salonga ang tumalo kay Tina, matatanggap ko pa. International star si Lea, nakapag-perform na sa Broadway. Pero ang tumalo kay Tina, eh, isang bakla! Ano bang criteria ang ginamit ng mga judges, ‘Day?!”

Nasabi tuloy namin kay Richard na imposible yatang talunin ni Lea si Tina dahil papayag ba naman itong maging contestant gayong nagdya-judge na nga ito saThe Voice?

ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …