Monday , December 23 2024

Perlas Pilipinas umuwi na mula sa Wuhan

091015 gilas pilipinas

DUMATING na sa bansa kahapon ang Perlas Pilipinas mula sa Wuhan, Tsina, kung saan gumawa ito ng kasaysayan noong isang linggo nang pumasok ito sa Level 1 ng  2015 FIBA Asia Women’s Championship.

Sa pangunguna nina coach Patrick Aquino at team manager Wilbert Loa, nilampaso ng Perlas ang North Korea, 68-67, Sri Lanka, 65-45, Hong Kong, 75-62, Kazakhstan, 80-73 sa overtime at India, 82-76.

Isang talo lang ang nalasap ng Perlas at ito’y kontra Malaysia, 71-64.

Naging pinuno ng delegasyon si  Samahang Basketbol ng Pilipinas deputy executive director Bernie Atienza.

Bukod sa Pilipinas, aabante sa Level 1 ng FIBA Asia Women’s Championship sa 2017 ang North Korea, Tsina, South Korea, Japan at Chinese-Taipei.

Ilan sa mga manlalaro ni Aquino sa Perlas ay sina Ewon Arayi, Afril Bernardino, Allana Lim at Shelly Gupilan. (James Ty III)

About James Ty III

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *