Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden at Yaya Dub, ‘di raw imposibleng magka-inlaban

090715 alden yaya dub
MISMONG sa bibig na rin ni Joey de Leon nanggaling—sa aming kaswal na tsikahan during a break in Startalk—na posibleng magkainlaban daw sina Alden Richards atMaine Mendoza, o higit na kilala bilang Yaya Dub, sa totoong buhay.

“Hindi ako magtataka kung sa pagkikita na nila ng personal, eh, may mamuong relasyon sa kanila,” ani Tito Joey patungkol sa phenomenal na AlDub.

Tulad ng nasubaybayan ng buong bayan, the hottest loveteam on TV ay hindi pa nagpapanagpo, their means of romantic communication ay hanggang pagpa-flash lang ng kanilang mga sweet nothings scribbled on paper sheets reinforced by their body language.

So, kung sakali ay ano naman ang masama if Alden at Maine will end up as real-life sweethearts? Kung guwapo si Alden, maaaring hindi artistahin ang byuti ni Maine but she exudes charm.

Impressive din ang credentials ng hitad, so is her family background.  Wait till we see her talk.

Pero minsan nang napanood si Yaya Dub sa Kapuso Mo, Jessica Soho as a talking featured guest. Tanging ang programa lang ng most awarded broadcast journalist ang pinagbigyan ng mga tao sa likod ng career ni Maine.

The other shows tulad ng Sunday variety show ng GMA ay hindi pinalad mahiram si Yaya Dub kahit prodyus pa ito ng kompanya ni Mr. Tony Tuviera na siya ring ama ngTape, Inc. that produces Eat Bulaga.

HOT, AW! – Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …