Monday , December 23 2024

Mga super hot na eksena nina Coleen at Derek sa Ex With Benefits ‘di raw pinagselosan ni Billy Crawford, Derek Ramsay masaya sa kanyang pagbabalik sa Star Cinema

090215 derek coleen
Masyadong maingay ang launching movie ni Coleen Garcia na Ex With Benefits, katambal ang hunk actor na nagbabalik Star Cinema na si Derek Ramsay plus Meg Imperial. Kasi naman bukod sa maselang tema o istorya ng pelikula na iikot sa dating magka-sintahan, ang 35 anyos na si Adam (Ramsay) at 28 years old na si Arki (Garcia). First time na mag-daring ni Coleen sa big screen at matindi ‘yung ginawa nilang intimate scenes ni Derek at napanood namin ang uncut version nito talagang bigay todo ang actress sa mga hot na eksena nila ni Derek sa kama. Kasama sa script ‘yung pagpapakita ni Coleen ng konting skin. Pero may katuturan ang kanyang ginawa sa project na ito sa Star Ci-nema na ngayon pa lang ay hinuhulaan nang magiging maganda ang outcome sa takilya. Nang tanungin si Coleen sa grand presscon ng kanilang movie, kung suportado ba ng boyfriend niyang si Billy Crawford at hindi ba niya pinagselosan ang maiinit nilang eksena ni Derek sa movie, mabilis na sagot ng biyuting aktres, hindi raw nagselos si Billy kay Derek. Dagdag niya, mas mature sa kanya ang karelasyon at marami nang pinagdaanan sa kanyang pamamalagi sa showbiz for 29 years, kaya’t naiintindihan raw niya ang kanyang desis-yon. Si Direk naman sa sobrang tagal na hindi nakagawa ng pelikula sa Star Cinema ay aminadong na-miss niya ang movie outfit na nagbigay sa kanya ng malaking break kung bakit narating niya ang kinalalagyan niya ngayon. “They are the best out there. I learned how to be the actor that I am today with the directors they have, the brilliant actors that they paired me with. And I missed that whole thing about Star Cinema and sino si Derek as an actor ay dahil naging partners ako ng magagaling na artista and be guided ng magagaling na directors,” ani Derek na very thanful dahil may bago siyang project sa itinuturing na no. 1 movie outfit sa bansa. “Both parties have moved on and we’re here to work together and to come up with brilliant film or films hopefully. I’m really excited for you to watch this movie. It’s very fresh, ‘yung approach, ‘yung atake ng directors namin and Coleen is a new face on the big screen and I think she did well,” kuwento ni Derek sa entertainment press na umatted ng kanilang press conference. Ang “Ex with Benefits” ay unang pelikula ni Meg Imperial sa Star Cinema at talagang nag-effort ang actress na mag-trim down para maging fit, lalo’t sexy ang tema ng pelikula ito. Tulad ni Derek, hunky rin ang dating ng bagets director nilang si Gino Santos na first mainstream movie pala ng Ex with Benefits. Si Direk Gino ay naging director noon ni Coleen sa #Y na ipinalabas last year sa Cinemalaya na naging critically acclaimed at nagkaroon pa ng well deserved Best Supporting Actress no-mination sa 31st PMPC Star Awards for Movies. Showing na starting (September 2) ang “Ex with Benefits” ang hot love story ng taon sa maraming sinehan sa buong bansa. Let’s patronize this it’s a beautiful film gyud!

IDOLITO DELA CRUZ, ANG BAGONG MAMAHALIN AT IIDOLOHIN NG MASA

090115 Idolito Dela Cruz

Biggest dream ng singing champion ng April Boy Regino’s Umiiyak Ang Puso sa “Sang Linggo NAPO Sila” at champion din sa singing contest ng April Boys sa “Eat Bulaga” na si Idolito Dela Cruz ang magkaroon siya ng sariling album this year sa tulong ng mga taong namamahala sa kanyang career (acting and singing) ay natupad na. Para sa sa newest recoding artist na bagong mamahalin at iidolohin ng masa at inspirasyon niya ang titulo ng kanyang first self-titled album na “Ngayong Nandito Ka Na… Idolito Dela Cruz.” Limang original songs ang napaloob sa album gaya ng carrier single na “Ngayong Nandito Ka Na.” Nandiyan din ang “Lumaban Ka,” “All The Time,” “Itaga Mo sa Bato,” at “Mundo Ay Nagbago.” Ito ay prodyus and distributed by DB Energy Music Co. Nine years old siya simula nang mag-start siyang maging mahilig sa musika. Mahilig din siyang mag-compose kaya apat sa kanta niya sa album ay siya rin ang sumulat. May pinaghuhugutan daw siya sa paggawa ng kanta kaya nakabuo na siya ng almost 300 songs. ‘Yung apat na kanta na isinama niya sa album niya ay napapanahon daw at dapat mapakinggan ng netizens. ‘Yung kantang “Ngayong Nandito Ka Na” ay handog niya sa kanyang one and only love. Hindi pa raw sila kasal pero magda-dalawang taon na silang mag-on. Nakare-relate sila sa kanta dahil nu’ng mga bata pa sila ay pinaghiwalay raw sila, may nag-abroad at hindi nila alam na sila rin ang magkakatuluyan. Hndi pa sila sure sa mga feelings nila nu’ng araw dahil crush lang nila ang isa’t isa. “Pero nu’ng magbalik siya naramdaman namin ‘yung same feelings after two decades yata,” kuwento ni Idolito. “Bata pa ako mahilig na ako music. Lahat ng brothers and sisters ko kumakanta. Sobra rin ang influence ng parents ko sa pagkanta ko,” bulalas ni Idolito. Pero sa family nila, siya lang ‘yung nagseryoso dahil passion niya ang pagkanta samantala ang mga kapatid niya ay nakahiligan lang. Lahat ng klase ng musika ay kaya raw niyang kantahin. May sarili rin daw siyang style sa pag-awit dahil kanta ng Air Supply ang binaba-natan niya nu’ng araw. Si Idolito ay mina-manage ngayon nina Benjie Pe Benito at Dennis Dela Cruz. Screen name lang ba niya ang Idolito? “Totoong pa-ngalan ko ito,” pakli niya.

Kilala ang pamilya nila sa Pampanga na idol ng mga kababayan nila.

“Actually, hindi naman talaga ako ang iniidolo ng mga taga-Pampanga kundi ‘yung erpat ko (29 years na Lupon sa Barangay nila pero parang buong Pampanga ang nangyari). Para siyang Robinhood.Sobra ‘yung pagtulong niya at ako ‘yung sidekick. Tapos tinatawag akong idol. Ako ‘yung laging inuutusan ni daddy at the same time lagi akong sumasali sa mga contest. Laging champion.“’Yung time na ‘yun kasi nagpa-contest ang “Sang Linggo NAPO Sila” para sa kanta ni April Boy Regino, nanalo ako. Ang “Eat Bulaga” nagpa-contest din sina Vingo at Jimmy (April Boys), nag-champion din ako,” kuwento niya. Pansamantalang tumigil siya sa pagkanta noong 2009 dahil namatay daw ang parents niya. Parang nawala raw lahat ang mga pinaghuhugutan niya at inspirasyon. Pero no’ng second death anniversary ng daddy niya naalala niya ‘yung sabi ng tatay niya na ituloy ang mga pangarap niya sa pagkanta. Alam daw kasi ng daddy niya ang kanyang determinasyon at passion sa pag-awit. Ngayon ay naggi-gig daw siya sa Pampanga.

Nadiskubre din siya nina Benjie at Dennis nu’ng mag-record siya ng kanta para sa themesong ng indie movie na “Mga Batang Hamog.” Doon siya nadiskubreng gumawa ng album dahil may potensiyal daw na maging recording artist.

VONGGANG CHIKA – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *