Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Liza, humble pa rin kahit sikat na sikat na

090215 liza soberano moa signing

00 SHOWBIZ ms mNAKATUTUWA ang reaction ni Liza Soberano nang tanungin dito kung ano ang masasabi niya sa sobrang kasikatan niya ngayon? Tila nahihiyang sumagot ang batang aktres at hindi alam kung ano ang isasagot.

Tila hindi umaakyat sa ulo ang kasikatan ni Liza. Kaya naman hindi lumalaki ang ulo ng dalaga at napaka-humble pa rin hanggang ngayon.

Bukod sa pumatok ang kanilang teleserye at pelikula ni Enrique Gil, dumami na rin ang endorsement ng alagang ito ni katotong Ogie Diaz. Napag-alaman naming mayroon na siyang 13 endorsement sa kasalukuyan at nadagdag pa rito ang Nails.Glow…Nails & Body Spa na pag-aari ng mag-asawang Ferdie at AJ Opena. Ang Nails.Glow main office ay matatagpuan sa 2nd and 3rd level, Northridge Plaza Bldg., #12 Congressional Ave., Quezon City.

Ayon nga sa kuwento ng mag-asawang Ferdie at AJ, bago nila kunin si Liza bilang first celebrity endorser ay nag-survey muna sila sa kanilang  staffs and customers sa iba’t ibang branches nationwide at iisa raw talaga ang pangalang lumitaw, ito nga ang name lang ni Liza.

Iginiit pa nina Ferdie at AJ na perfect choice si Liza dahil nagtataglay ito ng magsiglang personalidad, ganda ng mukha, at karakter at ang maganda at positibong imahe na makatutulong para maipalaganap ang beauty at wellness na siyang napakahalaga sa pagkakaroon ng maganda, positibo, at malusog na pamumuhay.

Natuwa naman ang aktres sa sinabing ito at hindi raw niya inakalang sa dinami-rami ng artista ay siya ang mapipili sa survey. ”At saka hindi ko naman po naiisip na nagsa-survey sila and ‘yung mga pumupunta roon, kilala pala ako. So, ‘yun, I’m happy,” ani Liza.

Sa kabilang banda, nakatutuwang lumalago na ang NDG na bilang bahagi ng kanilang paglago at commitment sa mga parokyano nila, sisimulan din ng NDG ang kanilangNDG Cares campaign. Kasama rito ang pagkakaroon ng training center para sa mga tauhan nila at pagpapadala sa mga office-based manager sa iba’t ibang seminar para palawigin ang kanilan kaalaman sa kani-kanilang area of specialization.

Magbibigay din sila ng libreng taunang flu vaccine sa kanilang mga empleado at mga franchisee.

Samantala, nami-miss na rin si Liza ng kanyang mga tagahanga at ang LizQuen loveteam nila ni Enrique dahil after Forevermore ay wala pa ulit silang bagong serye. Mayroon daw silang movie na ginagawa with Gerald Anderson, ito ay ang Everyday I Love You na ipalalabas this year at may soap uli sila pero hindi pa niya alam kung kailan ito ipalalabas.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …