Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Blatche nagluluksa sa kamatayan ng tiyuhin

063015 gilas pilipinas andray blatche
NASA Amerika ngayon ang naturalized na manlalaro ng Gilas Pilipinas na si Andray Blatche upang asikasuhin ang pagpapalibing ng kanyang namapayang tiyuhin na si Steve.

Ito ang dahilan kung bakit hindi muna lalaro si Blatche para sa Gilas sa Jones Cup na nagsimula kahapon.

“It’s a setback,” komento ni Gilas coach Tab Baldwin tungkol sa pagluluksa ni Blatche. “It’s out of everybody’s control. It definitely doesn’t help us, and doesn’t help him on the improvements that he is getting.”

Idinagdag ni Baldwin na hindi pa niya  alam kung babalik pa  sa Taiwan si Blatche upang ipagpatuloy ang kampanya ng Gilas sa Jones Cup.

”I don’t know if he’ll play any (laro dito sa Jones Cup). Maybe one, maybe two, but no more than that, I am sure,” ani Baldwin.

Habang sinusulat ito ay naglalaro ang Gilas kontra South Korea pagkaraang mairehistro nila ang unang panalo laban sa  Chinese Taipei A.

Matatandaang tinalo ng mga Pinoy ang South Korea sa semifinals ng FIBA Asia dito sa Pilipinas noong 2013.

Gumanti ang mga Koreano kontra Gilas sa Asian Games sa Incheon, Korea, noong isang taon.

Sa unang laro ng mga Koreano noong Sabado sa Jones Cup ay tinambakan sila ng Iran, 77-46.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About James Ty III

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …