Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ejay Falcon, binabalik-balikan ang mga kababayan sa Mindoro

082915 ejay falcon pete
Sandamakmak ang mga aktor sa show-business na sumikat lang nang konti ay masyado nang feeling!

Ito ang pagkakaiba ng lead actor ng Dreamscape latest offering sa Wansapanataym na I heart Kuryente Kid na si Ejay Falcon na in the many years that I’ve known him ay never na nagbago o naging ilusyonado like some people I know.

Like some people I know raw talaga, o! Hahahahahahahahahahahaha!

Kahit saan ko siya makita, he never forgets to say hi. Feeling nga ng ibang intrigerang entertainment press ay we are that ‘intimate’ and close. Hahahahahahahahaha!

But we never had some intimate bondings of that sort. Likas lang talagang sweet at mabait si Ejay kaya gusto namin siya.

Kung ‘yung iba riyan as masyadong feeling at detached, (feeling at detached daw, o! Hahahahahaha!) Ejay has always been sweet and down to earth.

No wonder, up to this writing, sila pa rin ng manager niyang si Benjie Alipio dahil hindi naman siya ‘yung tipong maangas at hindi marunong tumanaw ng utang na loob.

Lately nga, I was able to read that he gave his old car to his manager since he was already able to buy two imported vans.

Esekola, ‘di ba naman? Hahahahahahahahahahahaha!

‘Yan ang nangyayari kapag mabuti kang tao at pinapapelan mong tunay ang pagiging bread winner sa iyong pamilya the way Ejay has been doing for many a good year now.

Ang totoo niyan, ‘yung dalawa niyang kapatid na pinag-aaral ay malapit na raw grumadweyt kaya he’s really oozing with happiness of late.

Pero alam n’yo bang idol na idol siya ng kabataan sa Mindoro, the place he grew up in, dahil he never forgets to pay them a visit every summer and during Christmas season as well specially during New Year’s Eve?

According to Ejay, there was this occasion wherein he was booked to be a part of the group that would stage a show abroad, in Milan, Italy, if I remember it right, hindi pumayag si Ejay.

December 31 kasi ang show at ‘yun ang annually get together nila ng mga katropa at kababayan sa Mindoro. Ejay’s not going to miss that for all the money in the world.

Touching, ‘di ba naman?

At least meron pa tayong artista na hindi nadadala ng kinang nang tagumpay and he still has time for the people he loves most – his kababayan in Mindoro.

Anyway, may similarity talaga ang character nila ng lead character (Tonio) sa Wansapanataym Presents I Heart Kuyente Kid na mapapaonood na starting this Sunday sa ABS CBN.

Makakasama rito nina Alex Gonzaga (Penelope) at Ejay Falcon sina Miguel Vergara, Malou Crisologo, Fourth Solomon, at Tirso Cruzz III sa panulat ni Philip King at sa direksyon ni Andoy Ranay.

BANAT – Pete Ampoloquio, Jr.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pete Ampoloquio Jr.

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …