Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Claudine, hanggang pelikula lang, serye sa Dos, no-no na!

082715 claudine barretto

ISANG ABS-CBN insider ang nakapagbulong sa amin that yes, nakabalik man si Claudine Barretto (its homegrown artist) sa network via sa Star Cinema film ay hanggang doon na lang daw ‘yon.

Resurrecting her movie career, kabilang si Claudine sa pelikulang prodyus ng film arm ng Kapamilya Network mula sa libro ng batikang manunulat na si Julie Yap Daza tungkol sa mga kabit.

Kaya naman ang kasunod na tanong: hudyat na ba ‘yon ng pagbabalik ni Claudine sa ABS-CBN?

Our source believes otherwise.

Inalok man daw kasi ang aktres ng pelikula, hindi raw ibig sabihin niyon ay mayroon nang regular soap na dapat asahan si Claudine in the near future.

Matatandaang noong mawala si Claudine sa ABS-CBN, it was GMA which welcomed her with open arms. Nakaka-amuse nga ang cast ng kinabibilangan niyang show as her three other fellow stars Mark Anthony Fernandez, Jolina Magdangal and Marvin Agustin were all ABS-CBN’s homegrown talents.

Ang naging problema ni Claudine was her work attitude. Bluntly put, isa siyang malaking sakit ng ulo ng produksiyon na sa tuwing may taping schedule ay kung ano-anong inimbentong dahilan ang kanyang ibinibigay to justify her absence.

Take note, Claudine’s reasons were lifted from her compilation ng mga sari-saring karamdaman na may mga sintomas, na ikinabaliw ng buong produksiyon!

With that, maingat na umano ang ABS-CBN na pagkuha ng kanyang serbisyo.

RONNIE CARRASCO III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …