Saturday , November 23 2024

MIAA employees nganga sa CNA incentives ng DBM

00 Bulabugin jerry yap jsy
MARAMI palang empleyado ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang biglang sumakit ang ulo nitong nakaraang Martes.

Supposedly, mayroon silang matatanggap na incentive alinsunod sa kanilang Collective Negotiation Agreement (CNA) batay sa Budget Circular No. 2011-5 ng Department of Budget and Management (DBM) na ang lahat ng empleyado ng gobyerno ay tatanggap ng P25,000.

Ito ‘yung hindi naibigay noong nakaraang taon (2014) na halagang P25,000. Kaya ngayong 2015 ay inaasahan nilang isasabay sa dapat nilang matanggap na P25,000 pa, kaya sa kabuuan ay aabot sa P50,000.

Ang siste, sa hindi malamang dahilan, biglang sinabi ng MIAA Admin na hindi pa rin maire-release ang nasabing CNA incentives.

Apektado ang maraming empleyado sa NAIA sa nasabing pagkakabinbin ng kanilang incentive lalo na ‘yung mga nagpapaaral ng kanilang mga anak.

Obligado na naman magsangla ng kanilang ATM card para mabayaran ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya.

Sinisisi ng ilang empleyado ang isang Ms. Fe Dizon sa MIAA personnel na bigla raw umepal at nagsipsip kay MIAA GM Bodet Honrado kaya nabinbin ang release ng kanilang incentive.

082715 MIAA NAIA moneyKumbaga, mismong si Ms. Dizon na taga-personnel department umano ang gumawa ng paraan para huwag mai-release ang nasabing incentive!?

What the fact!?

Mukhang nagpapalapad daw ng papel si Ms. Dizon kasi parang gusto niyang ipamalas kay GM Bodet na magaling siya sa finances?!

Target kaya niya ang finance department ng MIAA?!

Just asking lang ho…

Isa rin umano sa naging rason para pigilin ang pagre-release ng nasabing incentive, ang isyu ng panghihingi ng Samahan ng mga Manggagawa sa Paliparan ng Pilipinas (SMPP) ng 5% sa makukuhang P50,000 ng mga empleyado.

Marami umano ang umangal sa ipina-pataw na tila union dues ni Ceferino “Ka Fe-ring” Lopez, presidente ng SMPP.

Nag-react kaagad si MIAA AGM-SES ret. Gen. Jesus Descanzo na: “masyadong mataas ang five percent.” Pwede sigurong 1 to 3 percent pero kuwestiyonable pa rin umano kung bakit kailangan magkaroon ng parte ang SMPP sa nasabing incentive gayong hindi nga sila nakagawa ng paraan para i-release agad ng MIAA admin?

At dahil d’yan sa isyu na ‘yan, mukhang nagkaroon pa umano ng rason ang MIAA Admin para mabinbin na naman ang incentive ng mga empleyado.

Kaya ang nangyari ngayon sa mga emple-yado ng MIAA, NGANGA!

Ano ba ‘yan, insentibo na naging bato pa?!

GM Bodet Honrado, nakikiusap po ang mga empleyado n’yo, kasama na sa budget nila ‘yang CNA incentive na ‘yan.

Kailan kaya nila matatanggap?!

Hindi po ba pwedeng pabilisin na ang proseso niyan?

082715 MMDA Francis Tolentino traffic

Matapos mai-online petition
MMDA CHAIR FRANCIS TOLENTINO BIGLANG NAG-TRAFFIC SA KALSADA

Nakagugulat namang bigla ang performance ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Francis Tolentino.

Aba e biglang nakita ng publiko na nagmamando ng traffic sa Katipunan Avenue at sa Megamall kahapon?!

Bakeet?!

Dahil ba kulang na kulang ang MMDA traffic enforcer o dahil nai-online petition siya para mag-resign o dahil kakampanya siya para sa Senado?!

Alin sa tatlo?!

Kung kulang ang MMDA traffic enfor-cer, nasaan ang daan-daang pinasusuweldo ng gobyerno?!

Pero sabi ni Chairman Tolentino, daan-daan MMDA traffic enforcer ang naka-deploy sa Metro Manila, ‘e bakit iilan ang naki-kita ko sa mga kalsada!?

Invisible ba sila, Sir!?

Kung dahil naman sa online petition na mag-resign na siya, aba, natatakot din pala si Chairman Tolentino?!

At kung dahil naman kakampanya sa Senado, e hindi na tayo nagtataka kung ba-kit biglang umeepal na nagtra-trapik sa kalsada si Tolentino?

Panay na raw kasi ang orbit at kampanya sa kabila ng lumalalang problema ng trapiko sa Metro Manila.

Anyway, sana naman ay magtagumpay ka sa iyong mga layunin Chairman.

Pero wish lang namin, sana naman ay makapag-iwan ka ng magandang marka sa urban planning ng Metro Manila.

Good luck na lang sa bagong gimik mo, Chairman Francis!

BOC balikbayan boxNASA PIER ANG BALIKBAYAN BOXES

FYI Sir Jerry, walang nagpapadala ng Balikbayan box sa airport dahil mahal ang freight. Siraulo ‘yan mga nagpapakalat ng mapanirang text. Ang big time smuggling nasa Pier na sila rin ang tongpats. Gamit pa ang trucking nila.

+63918288 – – – –

 

082715 quiapo vendorVENDORS SA PLAZA MIRANDA SA QUIAPO, HAPPY NA!

KA JERRY, maayos at masaya na ho kaming vendors ngayon dto sa Plaza Miranda sa Quiapo. Bago na ang PCP commander na hndi matakaw sa tong. Nakipag-dialogue pa ho sa amin. Kapag may nag-abuso na tauhan niya ay isumbong agad sa kanya. +63915671 – – – –

 

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

 
BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *