Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coleen, sobrang kinabahan sa Ex With Benefits

010715 coleen garcia

00 SHOWBIZ ms mHINDI itinago ni Coleen Garcia ang katotohanang sobra siyang kinabahan at natakot nang ialok at habang ginagawa ang pinakabagong handog ng Star Cinema at Viva Films, ang Ex With Benefits.

“It’s scary in a way, I’m very very nervous and at the same time I’m excited,” anito nang tanungin kung right time na bang ilunsad siya bilang isang leading lady at gumawa ng ganitong klase ng pelikula. “The strongest emotion I think is the excitement. I’m really looking forward to it, pero kabado pa rin.”

Ani Coleen, mawawala lang daw ang pagkakaba niya kapag nakapag-premiere na sila. Ipalalabas ang pelikulang Ex With Benefits na idinirehe ni Gino Santos sa Setyembre 2.

Sinabi pa ni Coleen na isa pa sa malaking challenge sa kanya sa pagganap bilang Arki ay ang pagganap bilang matured sa edad niya. Beinte-otso anyos si Arki sa pelikula samantalang 23 taong gulang pa lamang si Coleen.

“Actually that was a challenge for me kasi ang taas ng boses ko. I’m young at heart. I have to adjust to a scene…pero may tagpo roon na babalik ng 10 yrs. ago, so I can be myself. ‘Yung present ang very challenging. Luckily Direk Gino is there to help me and remind me. Inaalalayan niya ako at that aspect is a big adjustment,” paliwanag pa ni Coleen.

Umiikot ang istorya ng Ex With Benefits sa istorya ng dating magkasintahan, 35-anyos si Adam (Derek) at 28-anyos si Arki (Collen). Nag-aral sa parehong unibersidad nang biglang umalis si Arki at hindi nagpakita nang hindi nalalaman ni Adam ang dahilan. Nagkita sa kasalukuyang panahon ang dalawa ngunit itinatago ng mga ito ang sakit ng kanilan nakalipas sa pamamagitan ng pagtamas sa bagong relasyon na kanilang binubuo.

Ang Ex With Benefits ang comeback movie ni Derek sa Star Cinema mula nang magbida noon sa Praybeyt Benjamin at No Other Woman, gayundin sa Corazon: Ang Unang Aswang noong 2012 sa ilalim ng Skylight Films.

Ito rin ang ikalawang pagkakataong nakatrabaho ni Coleen si direk Gino na unang nagkasama sa #Y na umani ang aktres ng papuri at nagkaroon ng Best Supporting Actress nomination mula sa PMPC Star Awards for Movies.

Kasama rin sa Ex With Benefits sina Meg Imperial, Rayver Cruz, Tirso Cruz III, Carmi Martin, Kitkat, Juan Rodrigo, Nina Ricci Alagao, Jobelle Salvador, at Mengge Cobarrubias.

SHOWBIZ  KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …