Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Shey Bustamante, Angel with a kontrabida look

081715 SHEY BUSTAMANTE

00 SHOWBIZ ms mKUNG tumututok kayo sa Pinoy Big Brothers, tiyak na kilala ninyo si Shey Bustamante na dati ring pumasok sa Bahay ni Kuya. Isa siya sa 3rd batch, PBB Teen Clash noong 2010. Siya ang housemate na madalas nakikitang tumutugtog ng gitara at nagko-compose ng kanta at ka-batch sina James Reid at Ryan Bang.

Isa si Shey sa mga inilunsad bilang Star Magic Angels kasama ang walong iba pa na siyang panlaban ng Star Magic kung sexiness, boldness, class at personality ang pag-uusapan. Ngunit hindi lang naman sila puro beauties o ganda ng katawan, mayroon din silang iba’t ibang pangarap at personalidad na siyang hahangan.

Tulad ni Shey na bagamat may career bilang artista, isa rin siyang negosyante. Mayroon siyang online business, and health tea.

“Ito po ‘yung ThinTea na mula Australia. Bale last year of November ko po ito nasimulan. Maganda poi tong tea na ito dahil it can nourish your body, boost metabolism, clear skin, burn fat, detoxify and may alkalize. 100 percent natural pa po na aprub ng BFAD,” paliwanag ni Shey na medyo kimi o mahiyain na gustong masubok ang kakayahan bilang kontrabida.

Marami ng show sa ABS-CBN ang nalabasan ni Shey tulad ng Princess & I nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Sabel ni Jessy Mendiola, Christmas Special with Gerald Anderson at Maja Salvador at marami pang iba.

“Usually po kontrabida ang role na naibibigay sa akin. Medyo hirap po kasi akong umiyak. Parang ayokong nakikita ang sarili kong umiiyak. Siguro po dahil naging matigas na ako sa mga pagsubok na dumating sa buhay ko dahil hindi naman po maganda ‘yung childhood ko,” kuwento ni Shey kamakailan.

Actually, masuwerte si Shey dahil after PBB, kaagad siyang pinapirma ng kontrata ng Star Magic at nabigyan ng maraming projects. “Mga guesting-guesting po. Pero ngayon po kasama ako sa ‘Walang Iwanan’ na hindi pa po ipinalalabas. Bale si Roxanne Guinoo po ang bida rito.”

Sa apat na taong pamamalagi ni Shey sa showbiz, masuwerte na siya dahil hindi siya pinababayaan ng Kapamilya Network. “Okey lang po sa akin kung laging kontrabida ang role na ibigay sa akin, mas madali po iyon sa akin,” na sinang-ayunan naman namin dahil kung hitsura ang pagbabasehan, mukha nga siyang mean girl na tinanggap naman niya bilang complimentary.

At kung hindi busy sa showbiz career, pinagkaabalahan niya ang online business na thin tea na tamang-tama raw para sa mga gustong mapanatili ang kaseksihan at kalusugan. Kung gusto ninyong malaman ang ukol sa thin tea na ito i-follow n’yo lang siya sa kanyang IG na healthteaph.

SHOWBIZ KONEK – Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …